Abante Tonite Interactive

Kawhi tuloy ang rehab

5

Absent si Kawhi Leo­nard sa buong preseason assignments ng San Antonio Spurs dahil sa right thigh injury.

Sa intrasquad scrimmage nitong Sabado sa AT&T Center, sinabi ng Spurs na sa mga susunod­ na araw pa malalaman ang timeline ng pagbabalik ni Leonard. Hindi sumali ang All-Star forward sa scrimmage.

“We’re still rehabbing his thigh,” kumpirmasyon ni Spurs coach Gregg Po­povich. “And he’ll probab­ly miss the beginning of preseason or a good deal of preseason, and we’re not going to put a timetable (return). But he’s workin­g at it, and we’ll get him back as soon as we can.”

Hindi sinabi ng Spurs kung kailan eksaktong nagka-injury si Leonard.

Nawala sa 2017 playoffs si Leonard nang abu­tin ng ankle injury sa Game 5 ng Western Conference semifinals kontra Houston, lumala pa ang sprain sa Game 1 ng conference finals. Naupo na siya sa kabuuan ng 4-0 loss ng San Antonio sa Golden State Warriors.