Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kawit mayor may P100K pabuya vs siklista killer

0 123

Naglaan ng P100,000 pabuya ang tanggapan ng alkalde ng Kawit, Cavite para sa sinumang makapagtuturo sa pulisya sa suspek sa pagkamatay ng isang 20-anyos na siklista na natagpuan ang bangkay, Linggo ng gabi.

Sa Facebook post ni Mayor Angelo Aguinaldo, ipinag-utos nito ang paghahain ng P100,00 na pabuya para matukoy ang pumatay sa biktimang si Kenneth Ponce.

“Ipinag-utos ko po ang paghahain ng P100,000 na pabuya sa sinumang makapagtuturo sa pulisya ang suspek sa pagkamatay ng isang batang siklistang natagpuan sa ating bayan ng Kawit. Puspusan din po ang ating gagawing pakikipag-ugnayan sa pulisya para dito,” ayon kay Aguinaldo.

Idinagdag pa ni Aguinaldo na kailangang mapanagot ang sinumang gumawa nito upang mapanatili ang kapayapaan sa kanilang bayan.

SM food to go Banner Ad

Matatandaan na alas-10:00 ng gabi nang matagpuang nakahandusay ang biktima sa kahabaan ng Abaya Road, Brgy. Tabon, Kawit.

Unang ipinalagay ng pulisya na nadale ng hit and run ang biktima subalit nalaman sa awtopsiya na may tama ito ng bala ng baril.

Nawawala rin ang mountain bike ng biktima na nagkakahalaga nang halos P50,000 kaya pinaniniwalaang binaril ito.

Umapela na rin ang magulang ng biktima kay Philippine National Police chief General Guillermo Eleazar kung kaya’t nag-utos ito ng malalimang imbestigasyon sa insidente. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.