Abante Tonite Interactive

Kay ganda ng Palawan!

By
1,285

Sa pagpapa­sara sa isla ng Boracay, nabigyan ng pagkakataon na makilala ang ilang magagandang pasyalan dito sa Pilipinas. Pero hindi na bago para sa atin ang ganda ng Palawan kung saan makikita ang Underground River sa Puerto Princesa na kabilang sa New 7 Wonders of the World.

Sa dinami-rami ng magagandang tourist ­attraction sa Pilipinas, iba ang taglay na karisma ng Palawan.
Ang Palawan ay isang isla na matatagpuan sa rehiyon ng Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) na binubuo ng 1,1780 islands at islets. Isa ito sa pinakamala­king probinsya sa bansa kung saan kabisera ang Puerto Princesa City.
Matatagpuan din sa Palawan ang Coron Island na pangatlo sa mga isla ng Calamian. Paborito itong destinasyon ng mga turista, mapa-lokal man o mga dayuhan na hangang-hanga sa ganda ng karagatan at kapaligiran nito.
Isa pang isla na matatagpuan sa Palawan ay ang El Nido na nasa Bacuit Bay. Mula sa Puerto Princesa City, kinakailangang maglakbay nang halos limang oras para marating mo ang El Nido by land.

Sariwang hangin at payak na uri ng pamumuhay ang matutungha­yan mo dito. Kung gusto mo ng nature trip, magpunta ka na sa El Nido. Mara­ming puwedeng gawin dito gaya ng scuba diving, kayaking, stand up paddle board, tuklasin ang small and big lagoon at mayroon na ring zip line na bagong atraksyon sa lugar.

Malapit lang sa town proper ang dagat kaya’t sa kaunting lakad lang ay puwede ka nang magtampisaw at maligo nang walang bayad.

Malinis ang tubig at malinis din ang ­paligid. Para kang nasa ­paraiso na malayo sa ingay at usok ng lungsod. Hindi naman kailangang gumastos nang malaki kapag gusto mong magbakasyon sa Palawan dahil maraming option na puwedeng pagpilian kung hanap mo ay mura at affordable na mga ­lodging house at kainan. Ang dapat lang gawin ay mag-research at magtanong para hindi mapasubo sa malaking gastusin.

Kaya naman, tara na at tuklasin ang natural na ganda ng Palawan! (EA)