Abante Tonite Interactive

Kay gandang Maynila

375

SULAT KAY EDITOR

Dear Abante Tonite,
Kapansin pansin nga ngayon ang mga larawang inilabas tungkol sa cleaning operation sa kalakhang Maynila. Ang ‘di madaanang Divisoria noon ay napa-kaaliwalas dahil sa pag tatanggal ng mga vendors na nasa gitna ng kalsada.

Balik ang kaakit akit na ganda ng Carriedo at linis nga ang mga dating nakatambak na basura sa mga gilid ng estero. Ito ang tinutukang proyekto ng bagong upong alkalde ng Maynila na si Mayor Isko.

Sari-saring reaksyon ang maririnig sa mga mamamayan. Mga batikos at panliliit na nagsasabing “sa una lang yan magaling”. Nakakalungkot naman na kakasimula pa lamang ay tila ba negatibo na ang pagtingin ng iba. Gayung marami sa aming ngayon lamang nakita ang kariktan ng Maynila ay manghang-mangha sa ganda nito.

Sana lamang ay sa halip na batikos at negatibong reaksiyon ang ating ibigay bakit hindi suporta at pakikiisa. “Ang challenge natin ngayon ay maging consistent. Huwag sana natin isipin na ngayon lang ang mga nangyayaring pagbabago na ito. We will not stop,” Mayor Isko. Kudos Mayor!
Tristan Lee Ramos ng Selera