Abante Tonite Interactive

Kaya naming talunin Ateneo – UP coach

kaya naming talunin ateneo — up coach

By
0 791

Imbes na masiraan ng loob ay lalong tumapang ang University of the Philippines fans matapos yumuko ang Fighting Maroons sa Ateneo 79-88 kahapon sa Game 1 ng kanillang best-of-three finals ng 81st UAAP basketball tournament sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

“Bawi tayo, UP! Laban lang! #UPFight #MaroonPride #AtinTo” mensahe ni Maricar estudyante sa UP sa kanyang twitter.
Nag-tweet naman si @Carlito2 ng “Walang imposible sa taong naniniwala, kaya yan! ???? #UPFIGHT”

Para kay Fighting Maroons head coach Bo Perasol, hindi pa tapos ang laban, kailangan umano nilang pag-aralan ang kanilang nilaro sa Game 1 upang makabangon sa Game 2 at makahirit ng do-or-die game.

Tingin ni Perasol, nasa kanila ang lahat ng instrumento para talunin ang Ateneo.

“It’s a lesson we have to learn and we need to understand also that if we had done this sort of performance we could probably give them a tougher game and we could probably have won,” sabi ni Perasol.

Bumalikat sa laban ang Fighting Maroons lalo sa third quarter nang masaktan si Bright Akhuetie at dalhin sa dugout.

Humabol ang UP at naibaba nila sa dala­wang puntos ang abante ng Ateneo, 61-63 papasok ng fourth quarter.

Pero nanatili ang tikas ng defending champion Blue Eagles at nadagit nila ang panalo.

Namuno sa opensa para sa Fighting Maroons si Jun Manzo na nagtala ng 19 points habang bumakas ang magkapatid na Juan at Javier Del Liano Gomez ng 17 at 11 markers ayon sa pagkakasunod.

May inambag na 10 puntos si Akhuetie na bumalik sa laro sa fourth quarter.