Abante Tonite Interactive

Kayang magmilagro sa SEAG — Ramirez

510

Sumali sa pagpupulong si Team Philippines Chef de Mission at Phi­lippine Sports Commission chairman William Ramirez sa mahigit 150 national coaches Martes sa PhilSports Complex sa Pasig upang pag-usapan ang paghandang gagawin sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games 2019.

Naging matagumpay ang unang meeting sa national sports association kasama sina Philippine Olympic Committee President Victorico Vargas at Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee chairman at Taguig First Distrist Cong-elect Alan Peter Cayetano nitong Hunyo 4 sa PICC, Pasay.

Sinabi ni Ramirez sa national coaches mula sa 58 sports na magsagawa ng assessment at evaluation sa level ng kanilang preparasyon ng Team PH para sa SEA Games na nakatakda sa Nobyembre 30-Disyembre 11.

“If we are united, we can produce mi­racle in the Southeast Asian Games,” punto ni Ramirez.

Hinikayat ng ahensya ang mga coach at trainer na suportahan ang national athletes sa kanilang training at preparasyon.

“The greatest job of a coach is to inspire the champion in an athlete,” panapos ni Ramirez sa kanyang speech.

Ang ibang dumalo sa pulong ay sina PSC Commissioners Arnold Agustin, Ramon Fernandez, Fatima Celia Kiram at Charles Maxey, at PSC Chief of Staff Marc Edward Velasco. (Elech Dawa)