Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kaye binuking ang pasaway na artista

0 241

NI: ARCHIE LIAO

Naging panauhin ni Francine Diaz sa kanyang vlog ang Kapamilya actress na si Kaye Abad.

Sa naturang vlog, nagbalik-tanaw si Kaye sa kanyang early days in showbiz.

Sa barkadahan daw nila noon nina Jodi Sta.Maria at Desiree del Valle, siya raw ang maituturing na pinaka-kuripot.

Tuwing kakain daw umano sila sa labas, hindi siya umo-order ng ibang inumin kundi tubig lang para makatipid.

Dagdag pa niya, kapag daw may shows sila noon, hindi rin siya gumagastos dahil nagkakasya na lang siya sa panghihiram ng damit at mga gamit na susuotin sa mga kaibigan.

Gayunpaman,nilinaw niyang nabago na ang ugali niyang ito dahil sa kasalukuyan ay mas magastos na siya.Nagi-invest na siya sa kanyang mga gamit .

Tsika pa niya, may mga nakatrabaho na rin daw siyang may attitude at unprofessional.

Nakaranas din daw siyang hindi paboran sa set pero dinedma lang daw niya ito.

Aniya, enjoy raw siyang gampanan ang iba’t-ibang klaseng roles from bida to kontrabida.

Dream role raw niyang gumanap ng isang pipi.

Tungkol naman sa bashers, hindi raw siya apektado ng mga ito.

May dalawang beses lang daw siyang pumatol sa detractors nang minsang tuligsain siya ng netizens na insensitive. Ito’y dahil sa pagpo-post ng photo nila ng mister niyang si Paul Jake Castillo at ng anak sa beach noong pandemya.

Hirit niya, wala raw naman silang nilalabag na protocol dahil ang private beach ay property ng kanyang asawa.

Sa ngayon daw, hindi niya kayang mag-full time sa paggawa ng teleserye dahil wala pang isang taon ang kanilang second child ng asawa.

Ito raw ang rason kaya cameo lang ang role sa last TV series niya sa Kapamilya network.

Gayunpaman, nilinaw naman niya na wala siyang balak na talikuran ang pag-arte.

Leave A Reply

Your email address will not be published.