Abante Tonite Interactive

Kayesha Chua: Confidently beautiful with a heart for dogs!

207

Mga minamahal kong FURRever FURRiends:
Papaano mo malalaman kung ang isang beauty queen ay talagang ‘confidently beautiful with a heart’?

Kapag patuloy pa rin siyang gumagawa ng mga charity work kahit tapos na ang kanyang reign!

Isa sa mga tunay na beauty with a heart ay si Miss Bicolandia 2017 Kayesha Chua na pumasok sa Top 25 ng Bb. Pilipinas 2018. Kahit na tumi­gil na siya sa pagsali sa mga pa­geant, patuloy pa rin siya sa pagsuporta sa animal welfare.

Nitong huli lamang, tumugon si Kayesha sa panawagan ng isang ASOsasyon na kumukupkop sa mga pinaba­yaang mga ha­yop — ang Pawssion Project. May ilang asong nakahilera sa ‘death row’ sa Bulacan Dog Pound. Kahit na ang sina­sabi nila ay hindi gaanong masakit ang ‘mercy killing’, nakakaawa namang patayin ang mga asong nabanggit dahil lamang punong-puno na ang pound at walang may gusto sa kanila.

Sabi ni Kayesha, “I found out na madaming aso ang kailangang iligtas. Nag-ask ako for help at tumulong ang ilan sa mga kaibigan at kapitbahay ko, kaya nakapag-donate kami ng 140 kilos of dog food at nakapag-sponsor ng adoption fees for 20 dogs.”

Dagdag niya, “Madami pong nagtataka na bakit ako sob­rang involved sa aso eh mga pusa naman po ang anak ko. But as an animal advocate and a fur mom, wala po tayong pinipili dahil lahat sila ay pare-parehong may buhay at nagbibigay-saya sa ating lahat.”

Personal na inihatid ni Kayesha ang mga donasyon nila sa pound. “Nu’ng nakita ko po ‘yung mga aso, umiba na ang kabog ng puso ko. Masakit na makita sila sa likod ng mga rehas, na umiiyak at nagmamakaawa na kunin na sila. Lalo na nu’ng may nakita akong iilan sa kanila na buto’t balat na. Pero kung magtutulungan lang po tayong lahat, at kung mabibigyan ng tamang edukasyon tungkol sa responsible pet ownership, walang duda na may pag-asa ang lahat ng aso’t pusa sa Pilipinas.”

Wow, HAYOP na sipi ‘yan mula sa isang totoong beauty queen!

Kung gusto niyo pong tumulong, ito ang mga paraan:

1. i-Follow ang Pawssion Project sa Facebook at Instagram.
2. Mag-donate ng dog food at iba pang mga kagamitan.
3. Mag-volunteer.
4. I-share ang mga post ng Pawssion Project sa social media.
5. Mag-adopt ng aso mula sa dog pound na malapit sa inyo.
Nawa’y maging responsable tayong lahat sa ating mga alaga, at mahalin natin sila ng lubos!

Woofingly yours,
Joyce

Email: UsapangPetmaluAtbp@yahoo.com
Facebook: Joyce Ann Burton Titular
Instagram: Joyce Ann Burton