Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kayla harurot sa gold medal

0 98

BINAWI ni Kayla Anise Richardson para sa Pilipinas ang karangalan bilang pinakamabilis na atleta sa pagwawagi nito sa centrepiece event na women’s 100-meter dash ng athletics competetion Miyerkoles ng hapon sa 31st Southeast Asian Games sa My Dinh Stadium sa Hanoi, Vietnam.

Itinala ng 24-anyos mula Walnut, Californa na si Richardson ang 11.60 segundo upang ibalik sa Pilipinas ang titulo na una nitong napanalunan noong 2015 Singapore Games.

Tinalo si Richardson sina Periera Veronica Shanti ng Singapore na may 11.62 at Supanich Poolkird ng Thailand na may 11.66 para sa tanso.

Si Kayla ay huling sandali na ipinalit sa dapat sanang kalahok sa 100m at 200m na si Tokyo Olympian Kristina Knott na nagtamo ng foot injury.

Si Knott ay nagwagi ng pilak sa 100m at nagtala ng Games record sa 200m dash.

Nagawa naman ni Richardson na magwagi noong 2015 SEA Games ng gintong medalya sa 100m at pilak sa 200m event.

Ang kakambal ni Kayla na si Kyla ay dapat din sanang tatakbo sa 100m sprint event subalit hindi tumuloy.

Hawak naman ni Kayla ang Philippine national record sa 400m dash.

Ang ginto ay ikaapat ng bansa sa athletics matapos na unang magwagi sina Ernest John “EJ” Obiena sa pole vault, William Morrison sa shot put, Clinton Kingsley Bautista sa 100m hurdles at si Eric Shawn Cray sa 400m hurdlers.

Huling napanalunan ng Pilipinas ang kabuuang 11 ginto, 8 pilak at 8 tanso para sa 27 medalya noong 2019 SEAG. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.