Abante Tonite Interactive

Kayod ‘Pinas handa sa SEA Games

210

Todo-hampas ang Kayod Pilipinas sa mga international competition bilang paghahanda sa parating na 30th Southeast Asian Games 2019 sa Nobyembre 30-Dis­yembre 11 sa bansa.

Ito ay upang masiguro ang kalidad ng kanilang magiging performance sa biennial meet na may nakata­yang anim na gold me­dal sa men’s and women’s singles, mixed doubles and team, at men’s and women’s jumbo doubles.

Nitong nakaraang buwaAn lang ng nakasungkit ang national squashers ang unang gold sa 5th Southeast Asian Cup Squash Championships sa bansa sa pamamagitan ni Reymark Begornia na sinilat si Singaporean Benedict Chan via 8-11, 11-8, 11-5, 9-11,11-9 win sa men’s single event.

Nakipagsabayan din kamakailan lang si Robert Garcia kay Malaysian No. 1 at world No. 39 Mohd Nafiizwan Adna sa Asian Individual Squash Championships sa Kuala Lumpur, Malaysia kung saan tumapos na ang Pinoy player sa 75th place sa world ran­king. (Myris Lee)