Abante Tonite Interactive

Kaz 92, PH 88 Pilipinas kinapos

By
0 351

Naubusan ang Team Pilipinas sa Kazakhstan 92-88 sa malaking upset sa fifth window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa MOA Arena Biyernes ng gabi.

Natengga sa 5-4 ang Pilipinas, katabla ang Japan na 85-47 panalo kontra Qatar kagabi din.

Namemeligrong mapagsarhan sa World Cup ang Filipinos, must-win kontra Iran sa Dec. 3 sa parehong venue para mapalakas ang kapit sa top 3 ng Group F.

Nagkasa ng 11-0 run ang Nationals sa kalagitnaan ng first quarter at abante sa manipis na 18-17 pagkatapos ng period.

Sa second, nanatili sa laro ang Filipinos sa dalawang 3-pointers ni LA Tenorio bagama’t naagaw ng Kazakhs ang trangko 40-39 sa break.

Sa first half ay may 7 points si Stanley Pringle, may 5 rebounds si June Mar Fajardo at 2 assists si Alex Cabagnot.
Outrebounded ang Filipinos 22-12 sa first 20 minutes, pero napuwersa sa 14 turnovers ang Kazakhs kumpara sa 7 ng hosts.

Nakatatlong 3 si Alexandr Zhigulin sa first two quarters tungo sa 16 points para sa Kazakhstan.

Dikdikan pa rin sa third, pero nagawang ilayo ng Kazakhs ang lead sa tatlo 65-62 papasok ng final stanza.

Huling dumikit ang Filipinos 86-85 sa basket ni Pringle, pero apat na free throws ang ibinaon ng Kazakhs bago nakasagot si Marcio Lassiter para ilapit ang iskor sa 90-88, 26.1 seconds na lang.

Nakakuha ng drive-and-go basket ang Kazakhstan sa ilalim para selyuhan ang panalo.

Tumapos si Pringle ng 29 points para giyahan ang Pilipinas.

Pasabog ng 30 markers si Zhigulin.