Abante Tonite
Mabilis sa Balita

KC buwis buhay sa riles ng tren

0 60

“Buwis-buhay” ang reaksyon ng mgab netizen sa latest photo na in-upload ni KC Concepcion kahapon sa kanyang Instagram page. Paano ba naman, makikitang nag-pictorial siya sa gitna ng riles ng tren at aniya sa caption, hindi raw niya alam na gumagana pa ang railway.

“No I did not know this was a working railway 😅 Enjoyed the moment anyway,” caption ni KC sa mga larawang kuha sa Rosewood Miramar Beach.

Pero in fairness, ang ganda ng pictorial ng dalaga kaya naman pinuri-puri ito ng netizens kahit nga risky ang ginawa nito.

“Buwis buhay moment! ❤️😍 lavet! Best picture ever,” komento ng isa niyang follower.

“Ang cute,,parang batang naglalaro lang,” reaksyon naman ng isa pa.

“Napaka gandaaaa Naman ❤️❤️❤️ Ang fresh fresh,” sey naman ng isa pang netizen.

Pagbibigay-babala naman ng isang follower, “Hay, you can get electrocuted!”

Kasalukuyang nasa US si KC at sey nga niya in her latest vlog, matatagalan siya roon dahil nag-aaral siya ng Gemology.

Pacquiao inokray na nagkamay kumain

Ang daming nag-react sa IG post ni Korina na larawan ni Sen. Manny Pacquiao habang kumakain ito nang nakakamay.

“Ang sabi ni Sen. Manny Pacquiao: basta. Mas masarap kumain nang naka kamay. PS: Naubos ang dalawang takal ng kanin and fish. Naiwan ang chicken. FYI,” caption ni Korina.

Kinuyog ng mga commenter ang post at maraming bumatikos sa boxing champ na nagpapakitang-tao lang since malapit na ang eleksyon.

Ang nakakaaliw ay sinasagot naman sila ni Korina.

“Requirement ba na kapag tumatakbo na presidente, may photo na nagkakamay,” komento ng isang netizen,

Sagot ni ate Koring, “ah eh hindi po nya alam na kinukunan ko syah😍”

Sey pa ng isa, “Hndi nayan oobra sa tao” na sinagot naman ni Korina ng “ewan kung oobra. Basta ganyan sya kumain eh.”

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Saad pa ng isang netizen, “parang nakita ko na yan…hahaha…bentang benta naman…with lots of mansions…airplane chopper, yatchs, mamahaling rolex…magagarang sportscars….hello…”

Siyempre, sinagot din ito ni ate Koring. “Eh nagpapabugbog naman ng mukha ibigay mo na yung pinaghirapan nung tao noh.”

Sabi naman ng isa, “hmmm yan kamay gamit na gamit na 😂 sa next nyan sirang sapatos namrn.”

Sinagot din ito ni Korina ng “Kumakain lang. Dami nang sinabeh?”

Isa pang komento, “The time when eating with your hand means election is coming to town.”

Kinontra naman ito ni Korina. “I really dont think so. I think he really eats this way. Hindi nya alam kinukunan ko sya.”

May netizen din na idinamay ang asawa niyang si Mar Roxas.

“VP ba asawa mo Koring at nangangampanya k na?”

Of course, hindi rin ito pinalampas ng batikang broadcast journalist. Nilinaw niyang hindi tatakbo ang mister niya sa darating na halalan.

“Anlayo naman ng konek mo. Mar isnt running. Everyone interviews Manny Pacquiao these days because he just came from a fight,” sagot ni Korina.

Halatang nasa mood magpapatol si ate Koring sa mga netizen dahil pati positive comment ay sinasagot niya’t inayunan niya.

“Ang kumain na nakakamay hindi dahil mahirap ka o galing ka sa mahirap, noong bata ako yon din ang pagkakaintindi ko pero mali ako kasi dito sa ibang bansa mahirap man o mayaman makikita mo silang kumakain ng nakakamay miski sa mga restaurant may makikita kang kumakain ng nakakamay. Kaya i appreciate natin yon ang kumakain na nagkakamay,” ang isang positive comment.

Sagot ni Korina, “I agree. Walang masama. Ewan ko ba😂”

Sey pa ng isa, “Karamihan nagkakamay lalo s loob ng bahay mga professional nman sla ala problema ngkakamay a pagkain.”

Sagot ni Korina, “Pakisabihan ang mga nagnenega.”

Aliw na aliw naman ang ibang netizens sa mga sagot ni Korina pero of course, may mga kumokontra rin kaya naman ang haba na ng thread ng nasabing post.

Leave A Reply

Your email address will not be published.