Abante Tonite Interactive

KC Guerrero: Arci, bawing-bawi sa apo ng prinsipe

16

kc-guerreroBUMAWI si Arci Muñoz sa dyowa niyang si Bones Frankenstein (vocalist ng Mr. Bones and the Boneyard Circus a.k.a. Badi del Rosario, anak ni Prince Jefri Bolkiah ng Brunei) matapos maging busy-busy-han sa taping ng Pasion de Amor at sa shooting ng film na Always Be My Maybe.

Nagpasasa sila ng bakasyon sa Disneyland sa USA at iba pang attractions.

Masyadong cheesy pa ang Instagram posts ng magdyowa.

Abante Hiring – IT dep

Katulad nito: “ramonathornesDisneyland was sooo packed!! Soo.. I asked…. Love, where are the princesses? I just wanna see the princesses.. then he said..”oh! Like the one beside me? Ahihihihi ewan ko sayo!! Lol! #myprincecharming”

Bones Frankenstein
Bones Frankenstein

Napag-uusapan na nila ang kanilang future.

Pero not in the near future pa ang wedding plans.

After vacay, balik-taping si Arci for her headli­ner and Jericho Rosales’ Never Ever Say Goodbye under the helm of megman FM Reyes for ABS-CBN.

Tampok din dito sina John Estrada at Gelli de Belen.

May kasunod pang movie na gagawin si Arci pagkatapos ng Star Cinema hit nila ni Gerald Anderson na Always Be My Maybe.

Isang probinsiyana naman ang role ni Arci sa teleseryeng Never Ever Say Goodbye na lumuwas ng Maynila para tuparin ang dream niya na maging isang lawyer.

Sobrang bigat daw ng role ni Arci sa new soap.

Nakapag-taping na sila sa Caramoan.

Andaming ipagpasa­lamat ni Arci.

Bukod sa masayang lovelife, sobra-sobra ang bango ng career niya.

Despite her well-publicised romance with the local band artist, mukhang hindi apektado ang fans.

Tanggap ang tandem nila in real life ni Bones Frankenstein.

Sa latest online poll ng FHM Sexiest, pumang-anim pa rin siya.

“Sobra ang pasasala­mat ko. Thankful sa supportive boyfriend.

And thank you sa fans, sobra-sobra rin ang support nila,”

sey ni Arci sa kanyang Instagram post.