Abante Tonite Interactive

KC happy dahil okay na sina Sharon at Gabby

By
2,545

OBVIOUS na happy si KC Concepcion na nagiging ok na ngayon ang relasyon ng mommy and daddy niya na sina Sharon Cuneta and Gabby Concepcion.

The ex-couple have just followed each other on Instagram at pinost pa ni KC ang screenshot ng notification sa kanya ng IG stating that “concepciongabby started following reallysharoncuneta.”

Sa caption ay inilagay pa ni KC na “Well played, fam” at may hashtags pa na “Ne­verInMyWildestDreams.”

Ang daming kinilig sa post ng aktres na umaani na ngayon ng more than 29,000 likes at katakot-takot na comments. Ang daming­ nabuhay na namang die-hard fans ng loveteam nina Gabby at Sharon na tuwang-tuwa na okay na ang dalawa.

Kaaliw ang isang comment na papunta na raw sina Sharon at Gabby sa sitwasyon nina Pops Fernandez-Martin Nievera at Ogie Alcasid-Michelle Van Eimeren na dating mag-asawa pero in good terms kahit may kanya-kanya nang buhay.

As everybody knows, may malaking food chain TVC na lalabas sina Sharon at Gabby na first reunion project nila together pagkatapos ng mahahabang taon.

Bagama’t para sa fans, mas okay sana kung pelikula ang naging unang reunion project nina Sharon at Gabby, sobrang happy na rin nila sa TVC at umaasang susunod na ang movie.

Needless to say, overwhelmed ang lahat ng fans at inaabangan na ang paglabas ng TVC.

Lovi, walang naramdamang ‘contact’ sa pumping scene nila ni Tom

KAHIT makaraming beses nang nakipag-love scene si Lovi Poe sa pelikula, aniya ay never daw siya talagang masasanay sa mga ganitong eksena.

“I don’t think I’ll ever get used to love scenes even if I’ve done this a million times. It’s not something that you’ll ever get used to kasi parang. . .people would always say, “O, how you feel kapag nagla-love scene ka?” It’s not a very sexy thing kasi everyone’s there in the room, everyone’s watching.

“So, I guess it’s something that you’ll never get used to,” sey ni Lovi.

Pero buti na lang daw, sobrang komportable siya sa leading man niya sa ‘The Significant Other’ na si Tom Rodriguez dahil nagkasama na sila noon sa seryeng  ‘Someone to Watch Over Me’  at six months daw silang nagsama na mag-asawa pa ang kanilang role.

“So, isa ‘yun sa nagparamdam sa akin na komportable ako and the fact na gentleman talaga si Tom. Hindi mo mapi-feel na nagte-take advantage siya sa ‘yo. So, ‘yun naman ang importante, eh. ‘Yung kaeksena mo,” she said.

May pumping scene sina Tom and Lovi sa pelikula at kwento nga ng aktor, talagang panay ang “sorry” niya sa leading lady bago kunan ang eksena dahil baka aksidenteng magkaroon ng contact ang kanilang private parts.

Pero ayon kay Lovi, wala naman daw siyang naramdamang anuman at ma­ingat naman daw talaga si Tom.

Korean actor na si Jin Ju Hyung, fan nina James Reid, Sarah G. at Erich

ALAM ng Viva Artists Agency ang lakas ng hatak ng mga Korean stars sa Pilipinas kaya naman ikinontrata na nila si Jin Ju Hyung (Hyeong sa iba ang spelling ng second name niya) na napanood natin sa pelikulang You With Me with Devon Seron at sa mga K-dramas na Hwarang, Suspicious Partner and Live Up To Your Name among others.

Pumirma ng limang taong kontrata si Ju-hyung last Tuesday afternoon sa Viva with Viva big boss, Vic del Rosario and VAA head, Veronique del Rosario.

Ayon kay Ju-hyung na may English name na Justin, napamahal na sa kanya ang Pilipinas simula nang gawin niya ang “You with Me “ with Devon.

Pagkatapos ng pelikula ay nag-wish na raw siyang magtrabaho sa Pilipinas and good thing, nag-offer ang VAA na gawing siyang contract artist kaya naman sobrang excited niya.

When asked kung sino ang gusto niyang makatrabaho, he mentioned Sarah Geronimo, Erich Gonzales. Fan din daw siya ni James Reid at gusto rin niya itong makatrabaho.

He hopes to do many projects here in the Philippines kabilang na ang drama series. Pero hindi naman daw niya iiwan ang career niya sa South Korea. In fact, sa July ay babalik daw siya sa kanyang bansa dahil may K-drama siya na gagawin doon at three months daw siyang mawawala.

Nakakatuwa si Ju-hyung dahil ang husay niyang mag-English at may alam na rin siyang kaunting Tagalog words. Tumira raw kasi siya sa Singapore for 6 years at sa Canada for 3 ½ years. He’s 23 years old now.