Abante Tonite
Mabilis sa Balita

KC hinahabol ang bilyon ni Sharon

0 337

NI: ARCHIE LIAO

Bumaha ng papuri si KC Concepcion nang ipost niya sa kanyang IG account ang certificate na nakamit niya sa Gemological Institute of America (GIA) .

Nag-aral kasi siya tungkol sa pagkilatis, pagdisenyo at paggawa ng alahas at gemstones.

Nakatapos na ang anak ng Megastar ng short courses tungkol sa Jewelry Essentials, Diamond Essentials at Colored Stone Essentials.

Katunayan, gusto pa raw niyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral pero natigil ito dahil sa pandemya.

Tamang-tama raw naman na nagagamit ng UNICEF ambassador ang kanyang natutunan sa kanyang mga kurso sa kanyang negosyo.

Nakakuha rin siya ng thumbs up sa netizens na bilib na bilib sa kanyang pagiging masinop at madiskarte sa pera kahit masasabing ipinanganak na itong galing sa buwena pamilya.

Binibigyan din nila ng kredito ang kanyang inang si Sharon Cuneta sa tamang pagpapalaki sa panganay na sinasabing baka humahabol na rin sa bilyong net worth ng nanay.

Si KC ay may exclusive jewelry line na Avec Moi na ini-launch niya noong 2018.

Maliban sa pagiging aktres at celebrity endorser at vlogger, may investments din siya sa real estate at iba pang negosyo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.