Abante Tonite
Mabilis sa Balita

KC imbyerna sa saleslady

0 109

NI: ARCHIE LIAO

Sa vlog ni KC Concepcion tungkol sa designer bags, ibinahagi niya ang hindi niya makakalimutang karanasan nang minsang mag-shop siya sa isang sosyaling store sa Estados Unidos.

Sa kanyang pagbabalik-tanaw, aminado siyang na-turn off siya sa naging treatment sa kanya ng isang saleslady.

Nang may hinahanap daw siyang item sa YSL store, nagulat daw siya sa naging sagot sa kanya ng nabanggit na saleslady.

“‘Oh, you’re looking for YSL purses? YSL purses are very expensive,.” iyan daw ang naging salubong sa kanya ng magaspang na sales staff.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dagdag pa niya, may halo rin daw pang-iinsulto ang tono ng reply sa kanya nito.

Buwelta naman niya, hindi raw niya itinatanong kung mahal ang kanilang items kundi gusto lang daw niyang makita ang mga ito bilang isang shopper.

Hirit pa niya, bilang consumer, karapatan din ng isang shopper na makilatis muna ang anumang bagay na ibinebenta sa merkado.

Dahil sa pagkaimbiyerna, ibang saleslady na lang daw ang kanyang kinausap at dito napunta ang komisyon sa kanyang binili.

Sey ng mga netizen, hindi deserved ng showbiz royalty na anak ng bilyonaryang Megastar ang ganoong klase ng treatment na can afford ng lahat ng luho sa buhay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.