Abante Tonite
Mabilis sa Balita

KC, Juday TH ang balik-Piolo

0 337

May kakarampot na fans talaga na ayaw palupig ang pag-asa, huh! Perfect example, na talagang nakapagpagdabog sa bangs ng diva that you love, ang mga tagahanga nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual.

May clamor daw mula sa mga ito na dapat sina Juday at Papa P ang maging bida sa Pinoy version ng “The World of the Married,” ang pangmalakasang South Korean.

Hello? May clamor talaga? Asan? At saang galing ang ilusyon na pwedeng magka-remake in the soonest possible time ang nasabing SoKor drama? At bakit kailangang ipilit ang tambalang Santos at Pascual? Hindi na kailangan ni Juday si Piolo dahil she is in a super happy place, career at domestic wise. Sino ang mas may gain kung sakaling magsasama ang dalawa? Hindi na natin kailangan pang baybayin kung kaninong pangalan hindi ba naman?

May isa namang fan na hindi maitatago na obsessed kina Papa P at kay KC Concepcion. Nakakabaliw at nakaka-aning ang obsesyon na mula sa humahanga dahil literal talagang pinagsasama niya ang mga larawan nina PJ at Kristina and the person makes it appear na magkasama ang dalawa. Kahit pa nga alam mong produkto ng photoshop, ang tagahanga post kete post ng mga “couple larawan” nina Piolo Jose at Concepcion.

Juice colored! Grabehan naman ang fan worship na ito. Kailangan pa bang i-quote muli ang ibinulalas ni Kristina dati sa “The Buzz” para ang nilalang ay magising na talaga sa kanyang ilusyon. Dahil nga sobrang malaking pandamdam at ekis na ang isinulat sa Piolo-KC romance.

In case may dramang “magkaibigan” ang dalawa, pinapatunayan lang nila na they can be cordial and peacefully co-exist pero it does not mean na gagayahin nila sina Maja Salvador at Ram Nunez sa emote na love is lovelier the second time around.

May pananalig ang diva that you love that Kristina is not the type of woman na who chases an old love.

The WHO kanyo ang fan na kinakalat sa IG ang kanyang Papa P-KC obsesyon? Naku, kahit panatilihin ko siyang the WHO sigurado hindi makakalagpas sa mapanuri niyong mata at tiyak mapapagtanto niyo kung sino ang hitad, huh.

Angel grabe ang patigas

Sa Twitter, hindi mapigilan ng mga bading ang magbunyi. Bakit kaniyo? Kasi naman ang commercial model at newbie na si Angel Saycon, grabehan ang patigas, huh!

Iba talaga ang lalaki pag sandong puti lamang ang saplot tapos talagang todo ang pag-flex sa kanyang biceps at triceps! Ganiyan ang ginawang pagpapatigas ni Saycon and oh lalala talaga ang muscles sa kanyang braso.

And it helps na guapo na Pinoy-Pinoy ang look ni Angel na sa kasalukuyan, umeere ang part 3 of the commercial na siya ang bidang lalaki, yung para sa coffee creamer.

Of course, wala tayong malay what happens next to his TV career or kung makaka-movie career ang binatang guaping at makisig. Bagamat may Kapamilya Digital channel na mapapanood sa YouTube at Facebook, hindi natin sure kung ang mga nakaupo sa kanilang mga bangkito eh ikatutuwa na naman ang development na ito, huh.

Let us hope na aside from his looks at body, may ebidensyang maipapakita si Angel Saycon na may ibubuga siya sa pag-arte. Laging kailangan ng leading man or supporting actor kaya kung mahusay sa acting, tiyak na may lamang na siya sa iba pang Kapamilya studs na lahat ngayon ay what happens next and now ang tanong na wala pa ring malinaw sagot.

Leave A Reply

Your email address will not be published.