Abante Tonite
Mabilis sa Balita

KC karay ang true love

0 357

NI: VINIA VIVAR

Panay kantyaw ang inaabot ngayon ni KC Concepcion sa kanyang mga bikini photos na ipinopost sa Instagram habang nagbabakasyon sa Palawan. Hinihinala kasing kasama niya ang sikat Filipino-American rapper na si Apl.de.Ap at doon nila ipinagdiwang ang pagpapalit ng taon.

Nag-assume ang mga netizen na magkasama si KC at Apl dahil na rin sa isang kumalat na post ng isang fan kung saan ay makikitang nagpa-picture siya sa dalawa separately pero iisa ang background which means nasa isang lugar sila.

Bukod pa rito, may mga post din si Apl.de.Ap sa kanyang Instagram Story na nasa beach siya kaya ang lakas ng kutob ng mga netizen na magkasama talaga ang dalawa.

Komento ng isang follower ni KC, “Happy New 🍎🍎 (2 apple emojis)
Can’t wait to see the litol 🍎🍎🍎 (3 apple emojis) running around.”

Mensahe naman ng isang netizen, sana raw ay mahanap na ni KC ang kanyang true love at may sumagot naman ng “nahanap na niya ang mansanas na malasa sa kanya 🍏🍎🍏🍎🍏 (apple emojis) unlimited.”
Sey pa ng isa, “she has 🍎 (apple emoji) with her.”

Matagal nang nali-link sina KC at Apl pero itinanggi na ito noon pa ng dalaga ni Sharon Cuneta at Gabby Concepcion saying na good friends lang sila ng sikat na International rapper.

Pero kung bakit nga hindi mamatay-matay ang tsismis na may relasyon talaga sila. Para sa amin, wala naman kaming nakikitang masama kung talagang sila pero mukhang hindi tanggap ng fans ni KC ang singer dahil mas gusto nila si Piolo Pascual para sa idolo.

Well, kung saan masaya si KC, dapat ding maging masaya ang kanyang fans para sa kanya, di ba naman?

Leave A Reply

Your email address will not be published.