Abante Tonite Interactive

KC lantaran ang paghalik sa dyowa

1,577

tonite-imo-vinia-vivarBase sa komento na nabasa namin sa Instagram post ni KC Concepcion, mukhang malapit nang lumagay sa tahimik ang aktres with French boyfriend Pierre Emmanuel Plassart.

May post kasi si KC sa kanyang IG ng larawan niya habang nasa harapan ng napakalaking bahay ni Pierre sa France na ang tawag nga ng iba ay castle or chateau.

Sa malas ay kasalukuyang nagbabakasyon ang dalaga ni Sharon Cuneta sa nasabing bansa with Pierre’s family.

Abante Hiring – IT dep

Sa caption, ani KC, “I’ve never felt so at home in a 600 year old house until now. A house, no matter how big or how old, how small or how new, becomes a HOME when filled with love, laughter, family get togethers, conversations, jokes, home cooked meals, great wine, & just happy memories all around.

“Above all, love each other deeply, because love covers over a multitude of sins – 1 Peter 4:8.”

Dagdag pang post ni KC, “miss you @melanieplassart” na kapatid ni Pierre. Sa dulo ay nilagyan niya pa ito ng hahstags na #Ma­kingMemories, #France #Countryside at naka-tag din ang BF.

Sa comment section ay nag-comment ng kiss at love emoticons si Melanie at sa ibaba nito ay mababasa ang komento ng friend niya na @mela­nieplassart @happy for your brother and future sister in law.”

Napansin nga rin ito ng ilang netizens at halos lahat ng nag-comment ay masayang-masaya for KC.

Kitang-kita rin naman sa dating aktres sa mga larawan niya na sobrang happy niya sa kanyang bagong pag-ibig.

Latest post ni KC ay picture nila together ni Pierre habang hinahalikan niya sa cheeks ang BF na may caption na “Hey you came back to me, unexpectedly, this is crazy.”

Bullet kakaiba ang musika

Masayang-masaya ang contemporary folk singer/songwriter na si Bullet Dumas na finally, may sarili na siyang solo concert, ang “Usisa” na gaganapin sa October 5 sa Music Museum.

“Ang saya kasi, sa wakas, as a musician naman, pangarap mong mag-ganito, eh. Pangarap mong magka-concert,” pahayag ni Bullet nang makausap namin sa kanyang presscon para sa nasabing first solo concert.

“Tapos, parang masaya siyang “saved point” kung baga. Kung nagko-computer game ka, parang “saved point,” “check point” parang ganu’n. Parang isa lang siya sa mangyayari. Tapos, marami pa akong gustong mangyari,” dagdag niya.

Taong 2010 nagsimula si Bullet sa music industry nang mag-participate siya sa Elements National Music Camp at doon pa lang ay napansin siya agad ng mga music icons na sina Ryan Cayabyab, Trina Belamide at Joey Ayala.

Part din siya ng trio with Johnoy Danay and Ebe Dancel which had a sold-out concert last June. Pero mas nakilala si Bullet sa kanyang mga kantang Ninuno at Tugtog.

Usisa ang title ng latest song ni Bullet kaya ito na rin ang titulo ng concert niya at paliwanag pa niya, “’Usisa’ means to search thoroughly for the truth for meaning, which is technically the story of my music. I wander and wonder about the many things which interest me.”

Kakaiba ang musika ni Bullet and in fairness, marami ang nakaka-appreciate nito.

Pero sa kanyang concert, aniya ay huwag daw tayong mag-expect.

“Kung pupunta kayo, huwag na kayong mag-expect ng anything. Kasi, gusto ko, ganu’n lagi sa shows ko, eh. Pagka gig ko, parang mahilig akong mag-experiment,” he said.

Si Bullet ay talent ng Stages Talent Management and Agency nina Audie Gemora at Carlo Orossa na siya ring producer ng Usisa via Stages Sessions. The singer/songwriter is also the musical director of his own concert.

For tickets to Bullet’s Usisa, contact Music Museum at Ticket World.