Abante Tonite Interactive

KC nag-effort na magkabati sila ni Sharon

DIVA CHRONICLES

By
2,114

Marami ang hindi lang natuwa, kundi nagbunyi na makitang magkasama ang mega daughter na si KC Concepcion at ang Megastar niyang nanay, si Sharon Cuneta sa mga larawan na kuha mula sa kanilang kanilang family reunion.

Sa Instagram ni KC makikita ang kanilang larawan­ kalakip ang isang madamdaming mensahe, “Mama & I may have a 19 year gap, I may have come to her life too early, or even unexpectedly, and we may have all our differences, but: @reallysharoncuneta You will always be my first valentine, my first best friend, my 1st hero. All I want is to see you laugh & smile. At the end of the day, I will always want you to feel that having me was worth it. And above all I know I will always choose LOVE.”

Bago ang ‘reunion’ na ito, malakas ang bulong-bulu­ngan na may tampuhan­ daw ang mag-ina. Hindi ba’t naging isyu yung ‘di pagdalo ni Cuneta sa jewelry­ launch ni Kristina Cassandra at tila mas pinili pa ang makipaghapunan sa Ginoo sa Malakanyang.

May hanash din ang dating Madam Chairman na ganito sa kanyang social media site, dalawang buwan ang nakalipas, “I somehow just lost her somewhere years back… though I love her very much and will be here for her anytime.”

Ngayon lang muli nakita ang mag-inang magkasama kaya marami ang huffing and puffing na kung ano man ang naging tampuhan nila, eh natuldukan.

Blood will always be thicker than water. And yes, the other side of the hate coin is always love.

Bongga na si KC na ang nag-effort na maayos silang­ magnanay. Lasting at forever­ na sana ang pagkakaayos nilang ito.

In fairness kay ­Concepcion, parang kahit walang hint of ­powder ang kanyang mukha, sariwang-sariwa at ang ­ganda-ganda­­ sa picture. ­Namumukadkad ang kariktan.

Maliban sa kanyang not so beauty secret na virgin coconut oil as moisturizer,­ ang kanyang bloom at glow kaya ay courtesy of someone? Naku, KC paki-sagot ang question of national importance na ‘yan, huh!

Kris, Alden inaabangan ang pagtatagpo

Marami ang natuwa sa pa-block scree­ning nina Angel Locsin at Kim Chiu para sa pelikulang ‘I Love You, Hater­’ kung saan kasama ang kanilang Ate Kris ­Aquino.
Patotoo ang block screening move na ito na real friendships do happen sa mga artista. And kaila­ngan talaga ni Aquino ang support ng kanyang mga friendship para mas lumakas pa lalo sa takilya ang pelikula nila nina Joshua Garcia at Julia Barreto.

Hindi rin nagpakabog ang yayamaning fans ni Alden Richards, huh! Nagpa-block screening din sila para sa movie ni Krissy. What a beautiful gesture ang ginawang ito ng mga Aldenatic na walang dudang kaya nangyari ang block screening, bilang appreciation nila sa katotohanang ang Digital Empress, love, love, love si Faulkerson Jr.

Sa malapit na hinaharap, nawa’y mangyari na ang kanilang pagtatagpo ni Kristine Bernadette, pati na rin ang kanilang pelikula, hindi lang maging pangarap, kundi magkakatotoo.

Rhian- Andre malaking charot ang relasyon

Matapos pausukin ang chika na may something daw ang kahihiwalay lang sa kanyang katipan na si Rhian Ramos kay Jolo Revilla, saan kaya nanggaling ang munting apoy na itong si Ramos, eh ka-close nga ba talaga ni Andre Paras?

‘Yung Jolo-Rhian, alam naman nating pam-promo, eh itong kay Paras, ano ito, Bb. Ramos, hindi ba Andre is way too young for you? Bet mo na bang magka-cougar and cub relasyon sa binatang katangkaran at kwela?

Ang drama, LOL lang ang tanging naging reaksyon nina Ramos at Paras sa linking na may chance na malaking-malaking charot.

Kaya pala may ganitong sitsit, marami pala ang nakapansin na sa 60th GMA 7 Anniversary party, marami ang nakapansin na super close ang dalawa na parang bordering on BF/GF ang kanila mga body language.

Ayun, one plus one equals twenty four ang mga kunyari nagitlang saksi at pasa-pasa na ang obserbasyon hanggang sa makarating sa mga dalahira at katkatera.

Cute ang official reaksyon ni Rhian sa kaganapan at sabi niya sa isang pahayag, huge fan siya ni Andre at ang binata, para sa kanya ay “one of the most adorable funny people in show business.”

Platonic for now ang nararamdaman niyang pagmamahal kay Andre at talagang all they have is friendship.

Sige, sabi mo iyan, girl. HIndi ko na babasagin ang trip mo. ‘Pag isang araw kinain mo lahat ang mga kuda mo sa kasalukuyan at romantic na ang estado niyong dalawa, look na lang ako sa langit at hihingin ang opinyon ng planetang Venus.