Abante Tonite Interactive

KC nagsasaboy ng init

453

Nagniningning pa rin kahit wala sa spotlight ang aktres na si KC Concepcion. Walang kupas ang ganda lalo na ang kaseksihan niya.

Isa si KC sa may magagandang mukha sa industriya. Namana niya ang magandang lahi sa inang si Sharon Cuneta at sa ama na si Gabby Concepcion.

Sa kanyang recent Instagram photo ay nagpainit siya sa mga follower niya.

Sizzling hot ang aktres sa suot niyang black underwear na itinerno niya sa black leather jacket. Nakakapanlambot ang kanyang fierce-looking eyes na parang nagsasaboy ng apoy at init sa katawan.

Maganda pa rin ang hubog ng katawan ni KC. Malaki at malulusog ang dibdib na tiyak namana niya sa ina.

Katakam-takam rin ang malaki niyang hita. (Ronaline Avecilla)