Abante Tonite Interactive

KC nasabik sa showbiz

966

Mahigit limang taon na rin magmula nang magpahinga sa showbiz ang aktres na si KC Concepcion.

Nag-focus kasi siya sa pagnenegosyo. Sa pagiging wais ng aktres ay nakabili siya ng isla.

Samantala, ang pinakahuling pelikula niya ay ang “Boy Golden: Shoot To Kill, the Arturo Porcuna Story” na inilabas noong 2013 bilang official entry ng MMFF.

Ibinahagi niya sa kanyang Instagram ang ilan sa mga clip sa pelikula.

Hindi tuloy maiwasan ni KC Concepcion na ma-miss ang buhay-pelikula.

Sa ngayon ay busy si KC sa pag-aaral sa California ng kursong may kinalaman sa negosyo niyang fine jewelry. (Ronaline Avecilla)