Abante Tonite Interactive

KC nirereto kay Vico

1,353

NI: VINIA VIVAR

Matapos magkaayos kamakailan, sweet na naman ang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion. Panay ang post ngayon ni Megastar tungkol sa kanyang panganay na anak stating kung gaano siya ka-proud dito.

Ipinost ni Sharon ang link ng artikong lumabas tungkol sa anak na nagsasaad na si KC pala ang nag-suggest na gawing COVID-19 hospitals ang mga event venues na nagkakakatotoo na ngayon.

Sa caption, Shawie wrote, “Princess #1, my soon-to-be birthday girl, achieved something to be able to help those affected by COVID-19. So proud of you. Love you.”

Sumagot naman si KC ng “love you, mama.”

Ni-repost din ni Megastar ang post ni KC na nagsasaad naman ng kanyang donations ng 400 ready-to-eat chicken and pork adobo in jars para sa mga nurses, doctors, security guards and medical staff on duty sa Veterans Memorial Medical Center sa Las Pinas.

Sa caption, ani Shawie ay proud na proud siya sa eldest daughter.

“@itskcconcepcion am so very proud of you for doing what you can to reach out and help people in this time of need, my baby! Mama’s heart is so happy. I must’ve done something right,” pahayag ni Sharon.

May nagkomento ngang netizen na namana raw ni KC sa amang si Gabby Concepcion ang physical looks nito pero ang pagiging generous ay sa ina naman.

Sobrang happy rin ni Sharon sa ginawa ni KC na pagdo-donate ng 500 kilos of rice sa 100 families sa BF at ang pinost ng anak na wala raw pamilyang dapat magutom.

“Walang Pilipinong dapat magutom, lalong lalo na sa mga panahong ito. Consistent sana ang food distribution natin sa mga napili nating lugar, hindi lang 1 time, dahil siyempre mauubos at mauubos din yan. Tulungan tayo, Pilipinas,” ang saad ni KC sa kanyang post na nirepost ni Sharon.

Caption ni Mega, “that’s my girl!”

Matatandaang matagal ding nagkaroon ng tampuhan ang mag-ina at nalaman ng publiko na okay na sila recently lang nang i-promote ni Sharon ang YouTube vlog ni KC at magsabihan ng “i love you” sa isa’t isa.

Puring-puri ng netizens si KC sa pagtulong na ginagawa. Pero kaaliw naman ang parteng inirereto siya ng mga ito kay Pasig Mayor Vico Sotto.

“Thank you po for your donation. Bagay kayo ni Vico,” komento ng isang netizen.

Tonite – Wendys Inhouse Ad