Abante Tonite
Mabilis sa Balita

KC pasabog ang pagtuwad

0 11,438

Sa totoo lang, ang hirap unawain kung bakit may mga ginagawang big deal ang photo posting ni KC Concepcion.

Ang hanash ni Kristina: “Finding the right balance between work and play, loving fully and setting boundaries, getting enough rest and staying active, educating my mind and also my soul, protecting my body, but also my mental health… staying safe, but also getting out there, living life and doing things. Balance is key.”

At sa larawan literal ang kanyang balancing act dahil the voluptuous Concepcion was down on all fours, alam mong umaandar ang motor boat na kanyang sinasakyan at super posing pa rin siya na provocative naman talaga pero hindi naman bordering on the bastusin, not unless of course, ballistic ang imahinasyon mo at you see libog and malisya when there is none.

Siyempre pa ang pagtingin sa makurbang katawan ay subjective. ‘Yung iba ay hahangaan ang kanyang flaunting of her body at marami naman talaga ang pinuri ang kanyang pigura at confidence. ‘Yung iba pa nga, hot na hot ang tingin sa posing ni mega-daughter.

Sa iba naman, gitla ang maghaharing damdamin lalo na sa mga taong ang turing kay Concepcion ay little princess. ‘Yung dapat eh laging prim and proper. Tipong dalagang Pilipina na may hinhin na tangi ang number one personality asset.

Juice colored! Sa mga taong windang na windang sa pagtuwad ni KC, hindi na po siya dalaginding. Appropriate ang kanyang get up sa nasabing moving sea vessel. Kaya ganun ang pooing niya kasi she was centering to maintain her poise while being photographed.

Saka, mas mababaliw siguro kayo kung naka-terno si Krisina o kaya naka-turn of the century Maria Clara inspired dress habang nasa dagat, hindi ba naman?

SM food to go Banner Ad

Kaya sa mga nakakainis na nagmamalinis na windang na windang sa posing at outfit ni KC Concepcion, pwede po ba. Pakitandaan mo po na 2021 na. ‘Yun lang.

@@@

Jodi, Iza ayaw paawat sa tarayan

Guilty pleasure para sa karamihan ang drama seryeng “Ang Sa Iyo Ay Akin.” Bakit kaniyo? Kasi naman hindi lang basta ginagalingan, superlative sa galing sina Jodi Sta. Maria at Iza Calzado.

Check na check, Laban kung laban sa isa’t-isa, triple check! Talagang in all aspects of their rivalry, hindi nagpapatalbog ang isa’t-sa. At mas wagas na wagas ang aktingan nila sa kanilang to die for confrontation scenes na talagang lahat ng diwata at sirena,inaabangan ang kanilang exchanges, dagger looks that kill at kung paano nila i-out smart ang isa’t-isa,

Adding more fuel, passion ang gravitas to the drama are Maricel Soriano and Rita Avila, of course. Inaabangan lagi kung sino ang magiging recipient ng legendary sampal ni Inay Marya na in her best element sa show, sa true lang. At ina rin ang pagka-villainess ni Avila tuso, panggapera, at ipokrita of the highest order ang hitad.

Siyempre pa, dahil masaya naman si Sam Milby sa kanyang romansa with Catriona Gray, hindi na dapat pagtakhan pa kung bakit siya ang weakest link sa nighttime viewing habit na ito.

Sa true lang, kayo lang ang Filipino drama na pinapanood ng diva that you love at mga audience na sanay sa world class drama, huh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.