Abante Tonite Interactive

KC, Pierre nag-honeymoon sa Palawan?

297

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio

 

Hindi pwedeng itanggi na the look of love are in their eyes dahil kitang-kita ang mga ito sa larawang ibinalandra ni KC Concepcion sa Instagram kung saan kasama niya ang kanyang Prince Charming na si Pierre Emmanuel Plassart.

Magkasama ang magsing-irog at parang honeymooners nga sila sa San Vicente, Palawan. Sa mismong araw ng mga puso at pumapag-ibig, isang bidyo ang super sharing ni Kristina kung saan makikita sila ng kanyang beloved habang nakalublob sa tubig.

May pagbati pa si Concepcion sa kanyang mga followers, huh! Ang emote ni KC, “Happy Valentine’s Day, beautiful people… If you don’t have a partner remember to date, pamper and love yourself.”

May mga photo posting rin si Cassandra kung saan makikita ang mga ganap nila ni Pierre sa Palawan. In fairness to KC, kilay is life pa rin kahit nasa beach na at ‘yung kuha niyang floral ang kanyang bikini brassiere, ample ang bosom ni Bb. Concepcion, one of her many physical assets aside from her lovely face, hindi ba naman?

Marami ang nagdarasal na nawa, ang lalaking Pran­ses na ito na talaga ang happily ever after ni KC Concepcion.