Abante Tonite
Mabilis sa Balita

KC, Piolo hindi nagkabalikan

0 653

Super positive ng aura ni KC Concepcion ngayon. Ang ganda ng rehistro ng mukha, at kaaliw ang super fierce na style ng pagi-emote niya, ha!

Ang laki ng nagawa ng bakasyon niya, o pag-detox niya sa isang farm sa Batangas. Kaya nga asam na talaga ni KC na manirahan din sa probinsiya, dahil sa positibong epekto nito sa kanya.

Nakakatawa lang ang mga chika na kesyo nagkabalikan sila ni Piolo Pascual. Ang dami kasing kuwento, na kaya nasa Batangas si KC ay dahil sa Batangas na rin naka-base si Piolo.

Pero sa totoo lang, ang daming fans na umaasam talaga na magkabalikan ang dalawa. Mababasa mo nga ang mga dasal, hiling nila na sana ay magkita ang dalawa, at maging maayos na ang lahat.

Pero sa ngayon, mukhang malabo ang wish ng mga fan. Palagi ngang sinasabi ni KC na wala siyang dyowa ngayon.

Igan, Ted, Pia wagi sa Gandingan

Patuloy pa rin sa pagtanggap ng mga pagkilala ang programang “Failon Ngayon” para sa mga pagsisikap nitong maipaliwanag sa publiko ang mga isyu sa ating bansa.

Nanalo ng tatlong parangal sa 14th Gandingan Awards kamakailan lang ang current affairs program mula sa ABS-CBN, kabilang ang Most Development-oriented Public Service Program at Most Development-oriented Environment Program para sa dokyumentaryong “Manila Bay: Rehabilitasyon o Reklamasyon.”

Samantala, tinanghal naman bilang Gandingan ng Kalikasan ang anchor ng programa na si Ted Failon para sa nasabing dokumentaryo.

Wagi rin si GMA News Pillar Arnold Clavio and broadcast journalist Pia Arcangel bilang mga Best News Anchors for the late-night newscast Saksi. Si Jam Sisante-Cayco ang tinanghal na Best Field Reporter.

Leave A Reply

Your email address will not be published.