Abante Tonite
Mabilis sa Balita

KC posibleng balikan ang French ex

0 145

Sa panayam kay KC Concepcion ni G3 San Diego, maraming rebelasyon ang kanyang pinakawalan.

Aniya, sa estado ng kanyang buhay, mas gusto niyang pagtuunan ang pagpapatayo ng kanyang dream house.

Tulad ng kanyang inang si Sharon Cuneta, nakatulong daw na ang ilan sa mga investment niya ay napunta sa real estate.

Tungkol naman sa kanyang lovelife, sinabi niya na kung magse-settle siya, gusto niya ay sa France dahil ito ang itinuturing niyang second home.

Hirit pa niya, sa mga naging ex niya, hindi rin daw niya isinasara na kung may makakabalikan siya, ito ay ang French film producer at businessman na si Pierre Emmanuel Plassart.

Hindi raw niya nakikita ang sarili niyang maninirahan sa Australia kung saan namalagi ang kanyang ex na Azkals team captain na si Aly Borromeo.

Sa kaso naman ni Piolo, nananatili raw na magkaibigan sila ng actor, pero ito raw iyong tipo ng kaibigan na kuntento ka nang pagmasdan o alalahanin na lang. (Archie Liao)

Leave A Reply

Your email address will not be published.