Abante Tonite Interactive

KC pumiyok na kamukha ni K Brosas

1,467

Sinagot ni KC Concepcion ang isang netizen na nagkomento sa kanyang larawan sa Instagram na kamukha siya ni K Brosas.

Eksaktong comment ng netizen, “unang tingin akala q c kbrosas.”

Bagama’t nag-reply si KC, makikita naman sa sagot niya that she took the comment positively and mentioned na noong una raw ay sinasabing kamukha rin siya ni Karla Estrada.

“Nung una sabi nyo kamukha ko si Karla Estrada. Ngayon naman si K Brosas. Mabuti nalang at umaapaw sila sa ganda and mahal ko silang dalawa!!! Hi tita and tehhh!” sagot ni KC at itinag pa sina Karla and and K.

Sumagot naman si K at aniya, “TumFACT lol! Mishu tehhh!”

Pero mas marami ang nag-comment na mas kahawig daw si KC ng ina ni Daniel Padilla at para raw silang kambal mula ulo hanggang paa.

May basher ding nag-comment na pati katawan ay magkamukha sila ni Karla.

Dedma na si KC at hindi na sumagot.

Basta para sa amin, si KC ay babaeng version ng ama niyang si Gabby Concepcion. Parang hindi naman kamukha ni Gabo sina Karla at K.

Sa pelikulang Birdshot nabigyan ng big break ang Kapamilya young actress na si Majoy Apostol kung saan ay nanalo pa siya ng acting awards. Dito na rin umingay ang pangalan niya ay nagsunod-sunod na ang projects.

Nakasama siya sa mga pelikulang Eerie at Hospicio, nagkaroon ng seryeng Los Bastardos at kabi-kabilang guesting sa mga shows ng ABS-CBN.

Ngayong Sabado (Feb. 7) ay muling mapapanood si Majoy sa episode ng Ipaglaban Mo titled Ungol .

Pangalawang Ipaglaban Mo na ito ni Majoy at mentally challenged din daw ang naging role niya sa first appearance.

“Ngayon, mas lumala, nadagdagan, pipi at bingi siya (her character),” sabi ni Majoy sa panayam sa Kapamilya Chat online.

Kasama rin ng Kapamilya young actress sa Ungol episode sina Hashtag Nikko Natividad, Kokoy de Santos, Jordan Herrera, Rommel Padilla at Lovely Rivero mula sa direksyon ni Veronica B. Velasco.

Tonite – Wendys Inhouse Ad