Abante Tonite
Mabilis sa Balita

KC todo puri si Sharon

0 579

Common knowledge naman talaga na ang ibang klase ang relasyon ng mga anak na babae sa kanilang ama. Pinakamainam nga nitong halimbawa ay si KC Concepcion na nitong kaarawan ni Papa Gabby niya, eh panalong-panalo ang tribute post para rito.

Marami ang tuwang-tuwa sa paglalalahad ni Kristina na ang tatay niya ang “the first man who stole my heart. Panalo ang mga reveal nito na kahit madaling araw, pag tumawag siya sa kanyang papa, ay sasagot ito .Super cherished ng panganay ni Gabby ang kanilang bonding time, conversation at new adventure nila na always nilang sinasabi sa isa’t-isa.

May pull the heartstrings tama rin ang pagtatapat ni Concepcion na: “Thank you for not only making up for all the lost time, but for making the effort to keep our bond close, too. Thank you for respecting me as a grown woman, and as an adult- this is so precious to me. But also, thank you for still making me feel like your baby girl. I missed you for many years, but I love you more now and I still and forever will love you so so so much.” Awww…. hindi ba naman.

At sa mga intrigera diyan na naka-arkong muli ang one-line na kilay, parang walang ganitong appreciation si Kristina sa kanyang mommy dearest Sharon.Hay naku! Sorry na lang sa inyo dahil panalong-panalo ang pahayag niya para sa kanyang nanay.

Say pa ni KC: “My relationship with my papa is a reflection of how my mom brought me up when I was younger. She never said anything bad about papa in my childhood unlike most bitter ex-wives out there.”

Dagdag pahayag pa nito: “My mom raised me to respect my father and did not bash him or anything when I was growing up. I feel blessed to have a second chance at having a relationship with him. “

Ayan ha, super kwentas claras ang mga patotoo ni KC Concepcion on how well she was raised by her Mega Mommy . Sa mga dalahira at katkatera, tigil putakan muna, huh!

Alden binantaan ng AlDub panatiko

Ang mga di nalulupig ang pag-asang AlDub fanatics ginawa ang lahat ng kanilang makakaya para maging trending topic ang #BOYCOTTMZETxAPTxGMA242. Napagtagumpayan naman nila ito, ilang oras rin itong naging number one trending topic sa Twitter.

Ang dahilan kung bakit isisusulong nila ang boycott ay dahil sa pakiwari nila, eh grabehan ang pandededma sa kanilang panawagan na muling ibalik ang tambalang Alden Richards at Maine Mendoza.

Kung sasaliksikin ang mga nilalaman nitong boycott panawagan, sangrekwang resibo pictures ang kanilang inilalakip na “sweet moments” nina Richard at Nicomaine na diumano ay off camera shots.

SM SuperKidsDay Banner Ad

May sinasabi pang ang dalawa ay “secretly married” na at inihahalintulad ito sa mga kaganapan nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez at kina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos.

Siyempre pa, poot na poot at suklam na suklam sila sa katotohanang si Alden Richards ay tila pinapaboran ng mga ka-Siyete at may pangmalakasan itong primetime evening show na kasama ang mahusay na si Jasmine Curtis-Smith. Hindi katanggap-tanggap sa kanila ang pangyayaring ito at dahil sila ang “boss” kaya sumikat si Faulkerson nu’ng ito ay makatambal ni Mendoza, wala itong pwedeng makapareha kundi ito lamang.

Ang nakakapataka at tunay na nakakahibang, grabehan ang suklam nila sa Asia’s MultiMedia Star pero pag bubumulaga na ang mga mas matamis pa sa arnibal na larawan ni Nicomaine kay Arjo Atayde, hindi ba’t magkasama ang dalawa sa birthday bakasyon nito, their lips are sealed. Walang kuda at hindi “pinagtataksilan” ni Maine ang ka-love team nito.

Walang lohika at katuturan ang panawagang boycott na ito. Kahit pa maghapon at magdamag magkakalyo ang kanilang mga daliri, maglaparan ang kanilang mga balakang, hindi na mabubura pa ang katotohanan na kaya nasira ang ALDUB ay dahil si Maine Mendoza ang unang nagpakatotoo na “there is no us” at what they have is a manufactured love pairing.

At sino rin ba ang unang inilantad ang kanyang “iniirog”? Hindi ba, strike two muli si Mendoza?

Hay naku, mga AlDub fanatic, kailan niyo ba lulunukin ang salitang “patas”? at “katotohanan”? Nakakatakot ang pagiging mga diktador at pagiging tampalasan niyo, sa true lang.

Siguradong hibang na hibang na naman kayong lahat dahil magbabalik na muli sa ere ang “The World Between Us” .Patotoo ito na hindi nagiging matagumpay ang panawagan niyong pulpol!

SB19 pumalag sa basher

Umaariba ang King of PPop, ang SB18 dahil sa bago nilang anthem na “Bazinga.”

Ang “Bazinga” ay kanilang artistic pagsagot sa kanilang mga basher .Highly rewarded ang kanilang song effort kasi nga ang music video nito, na umere sa YouTube isang linggo pa lang ang nakakaraan, may 1.3M plus views na and counting. Ang dance video version naman nito ay may 150K plus views na at three days pa lang ito nasa YT.

Idagdag diyan na nominado sila na Best Southeast Asian Act sa MTV Europe Awards.

Leave A Reply

Your email address will not be published.