Abante Tonite Interactive

KC umaming single

0 679

Si KC Concepcion ang kauna-unahan na of Filipino ethnicity na brand ambassador ng isang super shala at high end brand, ang Shiseido.

Ang fave foundation shade niya ay “Linen. I don’t know if nakikita niyo ‘yung IG (instagram) stories ko pero rave ako ng rave about itong foundation na ‘to and I really love it, ‘di ka mahuhulas. 24 hours siya, it’s very refreshing and very fresh ‘yung histura ng mga nagsusuot nito.”

Parang sa fashion at beauty ang kanyang preoccupation.

Sabi ni KC, “Yes I’ve missed this work so much, of course/ I’m always online sa digital world. Lagi talaga akong nag sh-share sa mga followers ko about my secrets, my beauty secrets ganon.”

Patuloy nito, “Anything beauty, fashion, talagang I’m so inspired. Especially recently, hinatid namin ‘yung sister ko sa New York and then it was summer so nakabihis lahat ng tao and everyone was out. Parang nakakainspire yung energy ng ganon so pag uwi kodito sabi ko ‘gusto ko nang mag bihis gusto ko nang mag makeup.’”

May kuwento rin si Kristina sa pagiging working student niya, “For the last 3 and a half years po, yun working student po ako. Nag-aaral lang po ako nu’ng mga diamonds, yes gemology. Medyo tinodo ko na.”

Dagdag niya pa: “In general yes, syempre nakakatulong that I have my own jewelry brand pero more than that yung love ko talaga for diamonds,

yung family ko mahilig sa mga bato bato sabi ko ‘para di ka na maloko ma’. Sabi ko ‘Kung ano ano binibili mo di mo alam kung tunay yan or kung fake diba.’”

Dahil nga more on beauty and glam na siya, tatalikuran na niya ba ang pag-arte? Mabilis nitong tugon: “Of course not, di naman sa ayaw ko, di naman siguro mawawala yung ganito sa dugo ko. Love ko ‘tong job na to, love ko kayo. Sobrang

guso ko to eh, ito lang din talaga yung gusto ko eh.”

Paglalahad niya pa: “I think lahat naman kaming mga artista kapag na-feel namin na medyo hindi na bagay sa kung nasan kami sa buhay namin at that time yung project ganon talaga. Ayaw namin mag bigay ng hindi ganon ka-ganda sa mga fans. Syempre once na may lumabas, gusto natin yung as in magugustuhan talaga ng mga tao.”

Siyempre pa, naurirat kung single siya. Reaksyon niyang nakaka-aliw: “What?! Yes. hooray. Sino ba ang single dito?! Yes, you know what sa mundo ngayon di ba for example New York fashion week just happened. And nagce-celebrate sila ng inclusivity, ibig sabihin walang discrimination. So hindi lang sa raimbow may discrimination pati sa mga straight na kababaihan.”

Tinanong din ang tunay niyang estado ngayon ,pakli niya, “I’m fresh, as fresh as my foundation.”

Lagi rin siyang subject sa body shaming. Ano ang masasabi niya rito? Sagot niya: “Well, for example sa body shape mo or sa kulay ng balat mo. May mestisa, may morena, may in between. Di ba? Meron payat, may chubby, meron sexy-chubby. Meron mga ganon so I think kung ano lang din naman yung gustong iparating ng mga katulad ko, mga kababaihang katulad ko na dapat tanggapin yon kasi for example ibang bansa like sa States, ngayon, may mga fashion show na ngayon na as in iba ibang size, iba ibang kulay ng tao. Hindi lang siguro tayo sanay na makakita ng iba ibang klase.”

Dagdag niya pa: “Ngayon pa rin lang talaga tayo nai-expose like yung LGBT community natin, yung lahat ng iba’t ibang klaseng tao. So I’m very happy naman na ang Pilipino ay marunong na rin rumespeto sa kapwa nila Pinoy.”

Bilang huling tanong, bukas na ba ang puso niya sa bagong mamahalin? Walang halong pag-iimbot at buong katapatan nitong inamin: “Yes. I’m open.”

Thia Thomalla bet gurlisan

Maganda. Maalindog at marikit sa personal si Thia Thomalla. Nawa’y handa ang dalaga sa pangmalakasang bashing at hating na tatanggapin lalo na nga’t ilang babae na para sa maiingay sa social media na disgruntled AlDub Nation members na ngitngit at poot ang pinatikim nila.

Para sa kanila, si Alden Richards ay para kay Maine Mendoza. May obsesyon sila, kahit pa nga kasintahan na ni Mendoza si Arjo Atayde, na sa bandang huli, sa tunay na tamang panahon ang dalawa ang may happily ever after.

‘Yung iba, nagbabanta nang gugurlisan ang beauty queen-actress.

Sagot ni Thia sa siguradong-siguradong pagkuyog sa kanya sa social media, “I can say ready naman, for whatever’s coming my way. Handang-handa naman ako sa pagiging artista ko. I’m wholeheartedly open for all the challenges and advice na ibibigay sa akin.”

Ang diva that you love, dasal na your heart is made of steel. Well, andiyan naman si Richard na tiyak magiging protective of you.