Abante Tonite
Mabilis sa Balita

KD, Alexa grabe ang ‘honeymoon ’

0 226

Walang duda na nasa ‘honeymoon stage’ pa sa kanilang friendship sina KD Estrada at Alexa Ilacad.

Nasaksihan ito sa media conference para sa “Run To Me” na sila ang bida .

Sa true lang, bilang sina Wilson at Jewel sa Dwein Baltazar written and directed by series, makakaasa ang hukbong KDLexans sa kilig, mga katauhang believable at relatable, hugot tungkol sa parental attention, real friendship at siyempre pa, young love sweet love .

Itong si Alexa as Jewel reminds me so much of the young Angelu de Leon of TGIS days in terms of kakikayan and alam mong kakasa sa pag-arte Si KD, para sa diva that you love, can pass on as Ian Veneracion’s son, and with his good looks at natural na kakulitan, believable na slap soil boy, English term na ginamit nila para sa hampas lupang lalaki, siya named Wilson. huh.

Ang diva that you love inurirat sa dalawa kung nagkatampuhan na ba sila. Tugon ni Alexa: “Hindi pa. Before if we feel na there is something wrong or dama na namin na papunta na sa tampuhan , we already talk about it. Hindi na namin siya hinahayaan na umabot siya sa point na hindi kami magpapansinan.”

Aniya pa: “I will never let anything affect my work. No matter what happens, we will always be professionals. Kung dumating nga kami sa point na mag-aaway or whatever., hindi namin dadalhin sa set at siyempre, hindi ipapaalam sa lahat.” “Kasi we talk about it,” pahayag ni KD. “The key to any relationship, whether its romantic or platonic, is kailangan nag-uusap kayo lalo na tungkol sa mga feeling niyo para clear kung ano ba talaga ang nangyayari.”

Pleasant surprise para kay Ilacad ang mga nadiskubre niya tungkol sa kanyang kapareha: “When it comes to music, I know that he is talented. Pagdating sa pag-arte, surprised talaga ako and blown away na kahit pa nga he is new, as Wilson ang galing niya. Aakalain mo na ang tagal na niyang artista.”

Walang pang ayaw si Ilacad sa binatang may expressive na mga mata at ang biro nito: “Let us see next week, tomorrow and in the coming days!”

Ang ilan pang panalong papables sa “Run To Me” ay si Karl Gabriel, bilang Alon na siyang magiging third angle. Galing na galing ako sa pagiging resident bestfriend ni CJ Navato as Dranreb and yes, nakakatuwa rin na may baklang katauhan na tropa ni KD, si Matty Junio bilang Kimba, the resident baklang kanal. Ang savage kay Matty! Hahaha!

If you want that cotton candy kind of sweetness and relatable scenes na may connect at haplos sa puso, ang “Run To Me” ang tamang-tamang palatuntunan for you na streaming na ngayong May 20 sa Kumu at May 21 sa iWantTFC.

Leave A Reply

Your email address will not be published.