Abante Tonite
Mabilis sa Balita

KD dedma na kay Anji

0 164

NI: ARCHIE LIAO

Nagkaroon ng kontrobersya nang diretsahang komprontahin ni Anji Salvacion si KD Estrada. Madiin niyang sinabi na ‘friendship’ lang ang maii-offer nito sa binata.

For KD naman, obvious naman na dinamdam nito ang pagbasted ni Anji.

Sa isang panayam, natanong ang PBB season 10 winner tungkol sa kanyang relasyon kay KD after nitong ma-evict at lumabas sa PBB.

Ani Anji, matagal na raw silang hindi nag-uusap mula nang mag-reunion sila sa ASAP.

Nag-try rin daw siyang mag-reach out dito pero tila dedma raw ang Kapamilya singer.

“I’m super happy but me and KD, the last time that we get to talk to is sa ano pa noong nag-reunion kami sa ASAP. To be honest lang din po, hindi pa po kami nakapag-usap ng masinsinan. It’s really sad din kasi during that time din, he congratulated me, he’s saying sorry to me, which I knew nothing what’s happening here pala sa outside. And I knew nothing and sobra akong naguguluhan,” aniya.

“I was expecting him to reach out to me to, to tell me, to enlighten me on what’s happening right now but he never did. And I’m quite a bit sad because I thought na okay kami pero pagkalabas na pagkalabas, ewan ko, I don’t know, naguguluhan din ako sa nangyayari. It’s just very sad lang to think na I thought na everything was okay inside the house. Nakikita naman talaga ‘yun na super okay kami nu’ng pag-alis niya. But then nu’ng paglabas ko, ni ano message man lang wala. And I tried to reach out to him but the conversation did not end up like na dapat na we should converse about. Kasi dapat siya ang mag-explain niya sa akin, yung mga nangyayari, i-enlighten niya ako, pero hindi ‘yun nangyari. Iba po yung naging usapan and parang he’s like, doesn’t want to talk to me, so I give him na lang that space,” dugtong niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.