Abante Tonite
Mabilis sa Balita

KD ‘di keri patalsikin sa PBB

0 77

NI: ARCHIE LIAO

Tatlong beses na magkakasunod na na-nominate na ma-evict sa Bahay ni Kuya ang PBB housemate na si KD Estrada. Pero hindi pa rin siya matinag sa kanyang puwesto.

Marami ring mga kasamahan niya noon ang ibinoto siya para ma-evict dahil feeling nila ay hindi masaya ang singer sa pananatili nito sa nasabing reality show.

Sa pagpasok pa lang kasi ni KD sa Bahay ni Kuya ay napansin na agad ang pagiging mahiyain nito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pansin din ang pagiging mapag-isa nito kaya hirap itong maka-relate sa mga kasamahan.

Na-depress din ito nang tahasang linawin sa kanya ng sinisintang si Anji Salvacion na

walang pag-asa na magkaroon sila ng relasyon.

Bagamat may mga umaasang mae-evict siya, ilang beses na rin siyang na-save.

May obserbasyon naman ang kibitzers na napakalakas ng fan base ni KD . Ginagastusan talaga siya para hindi masipa sa PBB season 10.

Leave A Reply

Your email address will not be published.