Abante Tonite Interactive

KD magiging sentro sa Nets ‘small lineup’

0 425

Plano ng Brooklyn Nets na ibaba sa center si Kevin Durant sa susunod na 75th NBA season, kung magdedesisyon ang team na gumamit din ng ‘small ball’ lineup.

Pinapauso ni coach Mike D’Antoni ang small ball sa Houston, at nagtagumpay naman ang Rockets ngayong season. No. 6 sa Western Conference ang Rockets sa 40-24 bago sinuspinde ang NBA season dahil sa coronavirus disease.

Mas gamay ni Durant ang forward – small at power – sa buong career at dito sa posisyong ito niya nakuha ang MVP trophy.

Nagpapagaling pa si KD mula sa ruptured Achilles na nakuha sa NBA Finals noong nakaraang taon habang nasa Golden State pa. Pagdating ng offseason ay lumipat siya sa Brooklyn.

Balik sa Houston, sina PJ Tucker at Robert Covington – parehong forwards – ang ipinoposte ni D’Antoni sa center.

Nakalista si Durant na 6-foot-10, mas mataas kina Tucker at Covington. Mas mahaba pa ang kanyang wingspan.

Medyo manipis lang si Durant kumpara sa ibang lehitimong slotmen.

Scorer siya na puwedeng pumutok saan mang sulok ng court.

Ngayon ay sina Jarett Allen at DeAndre Jordan ang traditional bigs na ginagamit ng Nets.

Durant sa center at ang babalik mula shoulder injury na si Kyrie Irving sa point, sasabay sa bilis ang Brooklyn. (VE)