Abante Tonite Interactive

KD makasarili – Rodman

584

Tinawag ni Dennis Rodman na ‘selfish’ si Kevin Durant dahil sa litanya ng bagong Brooklyn player na pakiramdam ay ‘di siya dati makasabay sa mga dinatnan sa Golden State.

‘Di rin maintindihan ng dating Chicago Bulls player kung bakit lumipat ng Nets si Durant sa free agency.

Sinabi ni KD sa Wall Street Journal na pakiramdam niya dati ay ‘di siya maka-fit in sa Warriors.

Sa araw na lumabas ang interview, nambundol agad si Rodman.

“I think it’s very selfish of KD, seriously,” ani Rodman kay Rachel Nichols ng ‘The Jump’ ng ESPN.

“I’ll never be one of those guys,” pahayag ni Durant patungkol kina Stephen Curry, Klay Thompson, Andre Iguodala at Draymond Green.

Dinatnan na ni Green sa Golden State ang apat, bago nai-trade sa Chicago si Rodman noong 1995-96. Maangas na sa Bulls sina Michael Jordan, Scottie Pippen at ilan pang big names.

Kay Rodman, gusto lang niyang manalo. Wala siyang pakialam kung sino sa team ang paborito ng fans.

“I just don’t understand … why he would even come out and say something like that,” anang may Bad Boy image na si Rodman, nakilala sa makulay na buhok bukod sa husay sa rebounds.

“I mean, embrace it. … I enjoyed it. I didn’t care who was the leader. I didn’t care who was the leading force, who was this and this, I just wanted to be a part of it. I wanted to win. I wanted to impact the city, I wanted to make people happy.” (Vladi Eduarte)