Abante Tonite Interactive

KD segundang pinakabatang miyembro ng 20K-point club

By
4,381

Isang milestone pa ang dinagdag ni Kevin Durant sa humahabang listahan ng kaniyang resume: 20,000-point club member.

Wala sina Stephen Curry (re-sprained right ankle) at Klay Thompson (scheduled rest), kinailangang kumayod nang todo ni KD pero hindi niya naisalba ang Golden State Warriors sa 125-106 loss sa Los Angeles Clippers, Miyerkoles ng gabi sa Oakland.

Sapaw siya sa career-high 50 points – 27 sa third – ni Lou Williams na bumalikat sa Clippers.

Bago ang laro, kulang na lang ng 25 points si Durant para umabot sa 20K.

Tumapos ng 40 si Durant at nilista ang pangalan bilang 44th player sa NBA history na umiskor ng 20,000 career points.

Narating ni KD ang milestone sa isang pull-up jumper sa kaliwa 1:41 sa second.

Umiiling pa si KD, parang hindi makapaniwala, habang binibigyan siya ng standing ovation ng crowd.

Tatlong laro ring nawala si Durant dahil sa strained right calf. Inis­kor niya ang kakulangang 25 sa first half para makuha ang milyahe.

Sa edad 29, second youngest siyang nakakumpleto nito sa likod ni LeBron James. Siya ang unang Warriors player na nakagawa nito.

Tumira si Durant ng 14 of 18 mula sa field, 6 of 7 sa labas ng arc.

Panglimang player si KD na nakapagsalansan ng 20K points bago nag-30-anyos, kasunod nina James, Kobe Bryant, Wilt Chamberlain at Michael Jordan.