Abante Tonite Interactive

‘KD’ selyado na uli ng Warriors

By
4,556

Muling pinapirma ng Golden State Warriors si free agent forward Kevin Durant, ayon sa announcement ng team kahapon.

Hindi ibinunyag ang nakapaloob sa kasunduan.

Sa 2018 NBA Finals, nag-average si KD ng 28.8 points, 10.8 rebounds, 7.5 assists, 2.0 blocks sa apat na laro at sinikwat ang Bill Russell NBA Finals MVP award sa ikalawang sunod na taon.

Pang-anim na player na siyang na­ging back-to-back Finals MVP kasunod nina LeBron James, Kobe Bryant, Shaquille O’Neal, Michael Jordan (dalawang beses) at Hakeem Olajuwon.
Nag-average si Durant, 29, ng 26.4 points, 6.8 rebounds, 5.4 assists, career-high 1.75 blocks per outing sa 68 games ng 2017-18 regular season.

Second overall pick ng Seattle Supersonics noong 2007, naging Rookie of the Year si Durant sa Seattle bago lumipat ang prangkisa sa Oklahoma City.

Nasa Manila si KD kahapon bilang bahagi ng kanyang Nike Asian tour.

Habang nasa kasagsagan ang NBA lockout noong 2011, bumisita rin sa Manila si KD kasama ang ilang NBA superstars at nakipaglaro sa PBA Selection at Gilas Pilipinas.

Binigyan siya ng welcome sa Nike Park Fort sa Bonifacio Global City ng tanghali at nakihalubilo sa mga fan sa meet-and-greet.