Abante Tonite
Mabilis sa Balita

KDLex dyowa na ang galawan

0 123

Sumalang si KD Estrada sa Jowa for a Day challenge sa vlog ni Alexa Ilacad.Kailangang samahan niya ang aktres sa mga lakad nito.

Bago pa man ang kanilang date, katakot-takot na ang ginawang paghahanda ng Kapamilya actress.

Sa kanilang date sa Megamall, unang stop nila ang isang optical shop na nagkekeri ng maraming international eyewear brands.

Kuwento ni Alexa, dati-rati raw kasi ay may prescription glasses siya dahil mataas ang grado ng kanyang mga mata.

Pero naiwasto raw ito using laser vision correction.

Sumubok din si KD ng lenses at tulad ni Alexa ay sinukatan ito.

Cool din silang nag-try ng ibang casual eyewear na bumagay naman sa youthful personality nila.

Gora rin ang dalawa sa isang jewelry shop kung saan nag-shop ang aktres ng mga alahas.

Sa naturang jewelry shop, matatagpuan ang authentic jewelry pieces made of diamond.

May seal of authenticity pa ang kinuha ni Alexa na diyamante na regalo niya sa kanyang sarili.

Bukod sa singsing para sa kanyang sarili, may pa-kuwintas naman na na-take home si KD.

Marami naman ang kinilig sa love team partner dahil dyowa level na ang kanilang galawan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.