Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kean amoy demandahan sa talent

0 122

NI: ARCHIE LIAO

Marami ang naintriga sa post ni Kean Cipriano tungkol sa kanyang talent na si Arthur Nery under his OC Records label.

Si Nery ay isang promising singer-composer na tubong Bukidnon na inirekomenda ng friend niyang si Wacky Kiray sa music recording company na pagmamay-ari ng mag-asawang Kean at Chynna.

Sa maikling panahon, naging hit agad si Nery sa Youtube, Spotify at iba pang music platforms lalo nang mag-release siya ng album na “Letters Never Sent.”

SM food to go Banner Ad

Kaya naman kamakailan, nasorpresa si Kean sa naging tweet ni Nery sa kanyang socmed account.

“My next releases will be under Viva. I left OC. Thank you,” sey ni Nery.

Nag-reply naman agad si Kean kay Nery na:@ArthurMNeryy you have not been officially released from @OCRecordsPH. OC was the one who brought you to Manila, gave you a record deal and invested in your music, thus, LETTERS NEVER SENT has come to fruition.”

Dahil dito, tila nangangamoy daw ng demandahan ang naging pahayag na ito ng dalawang musical artists.

May nag-uudyok din kay Kean na idemanda ng breach of contract ang talent na tinulungan niya at ipinagprodyus ng album.

Leave A Reply

Your email address will not be published.