Abante Tonite Interactive

Kean, cheesy kay Chynna

By
Chynna Ortaleza at Kean Cipriano
9

CONSISTENT si Kean Cipriano na ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa kanila ng misis niyang si Chynna Ortaleza.

Hindi komportable si Kean na mag-share tungkol sa kanyang buhay may-asawa, kaya hindi niya maikuwento ang recent Japan trip nila ni Chynna.

Basta sobrang saya nila sa biyaheng ‘yon na nag-celebrate sila ng first anniversary nila as a married couple.

Kahit matipid sa kanyang personal life, may mga cheesy hirit ang actor-singer gaya ng, “I would like to travel the world with that lady (Chynna).”

Matamis at makeso rin ang kanyang quotable quote na, “I am blessed with a beautiful woman, with a beautiful being.

“I can never ask for more. She’s the woman of my dreams. Wala na akong ibang mahihiling pa.”

Napagkasunduan nilang mag-asawa na magkahiwalay ang kanilang career.
Kanya-kanya sila ng trabaho, pero ibang usapan ‘yung bilang mag-asawa.

“At the end of the day, I sleep with my best friend,” ang isa pang swit-switang quote of the day mula kay Kean, na isa sa mga bida sa indie film na Bar Boys.

In demand si Kean sa movies this year dahil so far ay nakaka-pito na siya.
Tatlo sa mga ‘yun ay naipalabas na: Love is Blind, Echorsis at That Thing Called Tanga Na.

Apat ang isu-showing pa lang: Bar Boys, Ang Babae sa Septic Tank 2, Mano Po 7 at isa pang indie.

Sa kabisihan niyang ‘yon ay may time pa rin siya sa kanyang wifey na si Chynna at daughter na si Stellar.

Ang sabi sa amin ni Kean, mas sumipag pa siya nang magkaroon siya ng sarili niyang pamilya.

Iba ‘yung drive niya. Kung dati ay inspired na siya, mas iba ‘yung level ng pagka-inspired ngayong may asawa’t anak na siya.

Malaking factor ‘yon, pero kahit noon pa ay mahilig na talaga siyang magtrabaho, either tumugtog kasama ng banda niya o mag-TV at magpelikula.

Mahal niya kasi ang ginagawa niya.