Abante Tonite Interactive

Kean, nang-eklay sa anak

123

HINDI nakadalo si Billy Crawford sa presscon ng pelikulang That Thing Called Tanga Na ng Regal Films na dinirek ni Joel Lamangan.

Naospital si Billy dahil sa pneumonia.

Sa trailer pa lang ay mukhang masaya ang pelikula kung saan gumaganap na bidang bading sina Eric Quizon, Billy Crawford, Martin Escudero at Kean Cipriano.

Kasama si Angeline Quinto na nag-iisang babae sa kanilang grupo.

Iniiwasan pa rin ni Kean na pag-usapan ang tungkol sa baby nila ni Chynna Ortaleza.

Tinanong namin kung malaki ba ang nabago sa kanila ngayong may baby na sila ni Chynna.

Eklay niyang sagot sa amin, “Surprisingly, wala naman masyadong nagbago, We’re a lot more driven and lahat ng puwedeng emotions na magu-grow sa ‘yo, magu-grow.

“But the most important thing, I am more inspired than ever. Inspired ako to create, to produce art and to do things the right way.

I’m very much blessed with a happy family.”

Billy Joe
Billy Joe

Hands-on sila sa pag-aalaga sa kanilang baby girl pero as much as possible, iniiwasan ni Kean na pag-usapan ang tungkol sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang mag-ina.

Mas gusto sana niyang manatili ang privacy nito.

Ani Kean, “Sabi ko nga, mahirap maging private sa public arena pero we keep all details to ourselves.

“Hindi kami ‘yung tipong lantaran na okay we show to the whole world everything involving our family. Pero you see us around, we go to malls, to the church, to the grocery.

“It’s just that we’re doing our best to keep our privacy for the baby and the whole family as well.”