Abante Tonite Interactive

Kean, nasarapan sa ‘Septic Tank’

By
Kean Cipriano
10

EXCITED si Kean Cipriano na ikinuwento sa aming nagsimula na silang mag-shoot ng sequel ng Ang Babae sa Septic Tank.

Hindi na nila kasama rito si JM de Guzman.

Si Khalil Ramos ang ipinalit.

Natutuwa ang lead vocalist ng Calla Lily dahil masayang reunion ang nangyari sa kanila sa shooting ng Ang Babae sa Septic Tank sequel, at sobrang proud siya sa na-achieve nila pagkatapos nilang gawin ang naturang pelikula.

“It makes me more proud of myself as an actor eh. Kasi, sabi ko, unang­ pelikula ko ‘to, eh, tapos gawin ko siya after six years?” pahayag ni Kean.

Mas masaya raw ngayon itong sequel dahil tumatakbo ang kuwento sa comeback ni Eugene Domingo sa showbiz.

“It’s nice to be part of this project na ang galing, kasi, naging franchise na talaga ‘yung pelikula.

“Itong Babae sa Septic Tank, nakakatuwa lang. Kasi, ang sarap i-revisit ‘yung mundo namin du’n na ginawa namin dati.

“Kasi, ‘yung mga buhay namin ngayon, nag-evolve na siya into something halos kapareho nu’ng nangyari sa pelikula,” dagdag niyang pahayag.

Maraming karakter daw na in-inject sa sequel. May special participation daw si Jericho Rosales.

“Ang saya nu’ng set namin, sobrang relaxed lang kami. Parang reunion lang namin sa set. Exciting siya!” masaya pang kuwento ni Kean.