Abante Tonite Interactive

Keanu Reeves nagpakasal sa bilyonaryong negosyante?

By
2,425

Years ago may lu­mabas na balitang gay umano ang actor na si Keanu Reeves. Agad namatay ang isyu tungkol sa gender ni Reeves dahil walang makapagpatotoo. Ayon sa source na malapit sa actor, in-exaggerate lang daw ang quote na sinabi ng actor sa isang pa­nayam.

May nagsulat kasi hinggil sa bilyonaryong negosyante named David Lawrence Geffen, ang American business magnate, producer, film studio executive at isang philanthropist. Siya rin ang may-ari ng Asylum Records, Geffen Recorts DGC Records at DreamWorks SKG.

Ikinasal umano si Geffen sa isang hunk actor. Nakita rin daw ang actor na namimili ng mga expensive clothe sa isang sikat na establishment gamit ang credit card ng American business magnate. Itinanggi ito ni Geffen sa isang interbyu.

Ayon sa bilyonaryo, ni minsan hindi nasilayan ng kanyang mga mata ang aktor. Maitatago rin daw ba niya ang kanyang pagpapa­kasal gayong marami ang nakakakilala sa kanya. “It’s just an ugly, mean-spirited rumor meant to hurt him because he’s a movie star,” sambit pa ni Geffen.

Si Reeves ay nagtataka rin hinggil sa isyu nila ng bilyonaryong negosyante. Sabi nga niya, never pa niyang na-meet ang guy. “For a while people were saying that David Geffen and I had gotten married. That just blew me away. Not because they thought I was gay, but that they thought I could land a guy that hot.”

Ang espekulasyon sa sexuality ni Reeves ay diretsahang tinanong ng isang reporter kung totoong he was gay. Mabilis ang sagot ng actor, “NO…,” pero may dagdag siya na ‘but ya never know.

Hindi naman daw siya bother sa isyu, at nagkibit-balikat, “It’s so ridiculous, I find it ­funny.”

Samantala, sa exclusive interview ng HollywoodLife, may isang aktres na nali-link ngayon sa aktor. Ang kanyang leading lady sa ‘John Wick Chapter 3’ na si Halle Berry.

“They absolutely have amazing chemistry but that hasn’t led to any official dating or any type of relationship between the two.” Sabi ni Berry totally type niya ang aktor. Very mysterious, introspective at down to earth daw si Reeves at very attractive.

Para sa mga hindi gaanong nakaaalam sa lovelife ni Reeves siya ay na-in love at na-engage. Ngunit ang girlfriend nito at dapat sanay magiging anak nila ay namatay sa isang car accident. Dinibdib nang husto ng aktor ang nangyari sa kanyang lovelife kaya medyo umiwas siya sa mata ng publiko.

Ngayong naka-recover na si Reeves, muli siyang nag-shoot ng ‘John Wick 3’ kung saan marami ang nagsasabing may good chemistry sina Berry at Reeves. Marami ang nakapansin na magkasundong-sundo ang dalawa sa lahat ng bagay.