Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Keber kay Ogie: James walang pasintabi sa pag-manage kay Liza

0 210

Walang-walang nararamdamang sama ng loob si Ogie Diaz sa dating alagang si Liza Soberano sa paglipat ng aktres sa management ni James Reid.

Aniya nang makatsikahan namin last Wednesday, nagpaalam daw ng maayos sa kanya si Liza at hangad niya ang success nito sa bagong landas na tatahakin. In fact, nag-iwan nga raw siya ng salita sa aktres na anytime na kailangan ang tulong or payo niya ay huwag itong mag-atubiling lumapit sa kanya.

When asked kung nagpasintabi ba sa kanya si James, ani Ogie ay hindi raw pero iginiit niya na okay lang daw ito sa kanya. Kung kaibigan daw niya ang aktor, ie-expect niyang magpaalam ito pero hindi naman daw sila magkaibigan kaya naiintindihan niya na hindi na ito nag-reach out sa kanya.

SM food to go Banner Ad

“Okay lang. Siyempre, nasa tao naman ‘yun kung gustong magpaalam. Kung hindi, wala rin namang problema. Walang kaso sa akin,” aniya.

Pero idinagdag niya ring mabait naman daw si James at aminado rin naman siyang may alam ang team nito pagdating sa pagma-manage especially sa Holywood na gustong i-penetrate ni Liza.

Leave A Reply

Your email address will not be published.