Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Keber ng mga kasambahay: Aktor kabit ng bading

0 268

Dahil hindi naman mayaman ang kinagisnan niyang buhay ay maagang natutong magpahalaga sa pera ang isang kilalang male personality. Hindi niya naman pinagdadamutan ang kanyang sarili pero hindi siya basta-basta gumagastos sa mga walang kabuluhang bagay.

Mismong dating kasambahay ng aktor ang nagkukuwento kung gaano siya kahusay sa paghawak ng pera. Matipid na maingat kuno ang male personality sa kanyang pinaghihirapan.

Kuwento ng aming source, “Kinailangan lang umalis muna sa kanya ang maid niya dahil may nangyari sa kanilang pamilya. Pero kapag okey na sila, e, babalik uli ang kasambahay sa poder ng male personality.

“Sa lahat daw kasi ng kanyang naging amo, e, pinakamabait at pinaka-generous na ang tisoy na male personality. Pasensiyoso raw ang aktor sa mga pagkakamali ng maid,” unang chika ng aming impormante.

Malinis pala sa bahay ang male personality, ayaw niya sa makalat na kapaligiran, kapag magulo raw ang bahay ay parang gumugulo rin ang isip ng naninirahan.

Patuloy ng aming source, “Kunsabagay, kitang-kita naman ang kalinisan ng male personality. Tisoy na siya, pero maingat pa rin siya sa kanyang hygiene. Mukha siyang mabango all the time.

“Siya mismo ang gumugupit sa mga kuko niya sa kamay at paa, siya rin ang naglilinis sa mga kotse niya, hindi niya ‘yun iniaasa sa iba para makuha niya ang linis na gusto niya.

“Maingat siya sa pera pero hindi siya maramot sa kailangan ng kasambahay niya. hindi na kailangang magdalawang-salita pa sa kanya kapag talagang nangangailangan ang maid niya.

“Ayaw lang talaga niyang nasasayang ang perang pinaghihirapan niya, ‘yun ang pinakaayaw niya, tulad ng nasisirang food, mga itinatagong pagkain na puwedeng pakinabangan ng ibang naghihirap.

“Bukod du’n, e, wala na. Puring-puri siya ng mga kasambahay niya. hindi na raw sila aalis forever sa boss nila. Hindi kasi sila itinuturing na iba, kapamilya na sila kung pakisamahan ng male personality.

“Wala silang pakialam sa mga kuwentong nagiging boy toy ng mga becki ang boss nila, ang mahalaga sa kanila, e, ang ugali niya na napakaparehas at generous.

“Aaaahhh… oo nga naman!” madiing pagtatapos ng aming impormante.

Manny tinawag na ambisosyo

Hindi talaga kumakampi ang mga bituin kay Senador Manny Pacquiao sa pangarap niyang masungkit ang pinakamataas na upuan sa ating bansang mahal.

Ambisyoso ang tawag sa kanya ng mas nakararami. Mainipin. Mapangarap. At kung anu-ano pang terminong angkop sa mga taong wala pa namang kakayahan pero lundag lang nang lundag sa kanilang pangarap.

Maraming nakaharang na torso sa kagustuhan ng Pambansang Kamao na bumiyahe papuntang Palasyo ng Malacanang. Hindi nga panaginip ang paghusga du’n ng mga political analysts kundi bangungot.

Hindi pa naman nagsisimula ang pormal na kampanya, malay naman natin, baka biglang mabago ang senaryo at makita na rin ng mga botante na karapat-dapat siyang ihalal bilang pangulo.

Malaking kabawasan din para kay Pacman ang pagiging posturyosa ng kanyang misis na si Jinkee. Kahit saan sila mag-ikot ay bumibida pa rin ang pagiging alahada ng kanyang misis at pagsusuot ng mga branded na damit at sapatos.

Ang pagpansin na ‘yun ng ating mga kababayan ay dapat inayos na nila mahabang panahon na ang nakararaan. Mula nu’ng maisipan ng senador-boksingero na kakandidato siyang pangulo, dapat ay hindi lang ang kanyang mga plataporma ang tinutukan ng kanyang mga tagapayo kundi pati ang gayak ni Jinkee, dahil siguradong malaking bato ‘yun na bubukol sa kanyang kandidatura.

Pero mahabang panahon nilang pinabayaan si Mrs. Pacquiao na magmalabis sa kanyang itsura, wala man lang isa sa mga tagapayo na nagpaalala sa misis niya na kailangang maging simple lang ito, para hindi nabubutasan ang kanyang mister.

Napakaraming dapat repasuhin ng grupo ni Senador Manny Pacquiao para maging makinis ang kanyang pagtakbo sa panguluhan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.