Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Keber sa buntisan: Dingdong, Marian magkaakbay sa BGC

0 200

Sa kasagsagan ng intrigang may nabuntis na ibang babae diumano si Dingdong Dantes, spotted ang aktor kasama ang misis na si Marian Rivera na sweet na sweet sa BGC (Bonifacio Global Taguig) last Saturday, Jan. 23.

Namataan ng fans sina Dingdong at Marian na masaya’t magkaakbay na naglalakad sa BGC kaya naman nag-request sila ng photo op (opportunity) sa mag-asawa.

Ipinost ng netizen sa kanyang Twitter account ang larawan nila na makikita pang masayang magka-akbay sina Dong at Yan.
“Saw marian rivera and ding dong here in BGC. Grabe sobrang starstruck kahit na naka mask sila,” ang caption ng netizen.

Ini-retweet ng mga DongYan fans ang nasabing post bilang pagpapatunay na rin na matibay na matibay pa rin ang relasyon ng mag-asawa sa kabila ng intriga. Ang dami ring kinilig na makitang sweet na sweet ang showbiz couple.

Tweet ng Dingdong Dantes fan account, “see Dingdong and Marian are happy! We hope you too…”

Tweet naman ng isang fan, “salamat sa pag share nasupalpal sa post mo ang mga mapanghusga at mapaggawa ng fake news..sobrang happy namin DongYan fans.”

Pang-aasar naman ng isa pang fan, “Oy mga chismosaa ito oh yung dalawa nasa BGC. Asan ka na rin isang DDS na fake news nagtago kana ba?”

In fairness, sa gitna ng pananahimik ng mag-asawa sa issue, ang mga DongYan fanatics ang nagsasalita para sa kanila at ipinaglalaban talaga ng patayan na hindi magagawa ni Dingdong ang balitang kumakalat.

ASAP SA TV5 trending

Top trending sa Twitter ang ASAP Natin ‘To kahapon sa first airing sa TV5 ng nasabing long-running Sunday variety show. Gamit ang hashtag na #ASAPasOne, trending na ang show bago pa man ito umere hanggang sa mag-no.1 at nanatili itong nanguna even after the airing.

Obviously, mas marami na ang nakapanood ngayong nasa TV5 na rin ito at walang pagsidlan sa tuwa ang mga solid Kapamilya supporters base na rin sa mga tweets nila.

“Ganda ng opening prod ng ASAP grabe nakaka tuwa na mapanood sila. Sobrang happy ang Kapamilya na mapapanood na din sa Kapatid yeheyy!!!” tweet ng isang Kapamilya supporter.

“No one can beat ASAP! Dto tyo sa legit na world class performers!” tweet ng isa pa.

Sey naman ng isa pang solid supporter, “wla na kaming hihilingin paaaaa grabeeeeee..thank u ABS-CBN AT TV5 for making this imposiible to possible.”

Another fan tweeted, “Grabe diko mapaliwanag yung saya ko!!”

Anang isa pang netizen, “The power that #ASAPasONE holds! Reaching the whole country as one with @TV5manila and @A2ZChannel11! Congratulations! Indeed this is history!!!”

Ang nasabing episode ang first appearance ni Janine Gutierrez sa Kapamilya show matapos itong lumipat mula sa GMA-7 kaya naman tinutukan din ito ng kanyang fans.

Maging ang ina ni Janine na si Lotlot de Leon ay ipinost ang short clip ng anak habang kasamang kumakanta sa stage sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid and Martin Nievera.

“I’m so happy for you anak! ??♥️  Maraming Salamat KAPAMILYA sa mainit na pagtanggap sa aking panganay,” ang caption ni Lotlot.

Masayang-masaya rin ang mga hosts sa historic moment na ito for ASAP kung saan ay napapanood ang show sa dalawang networks (TV5 and A2Z).

“It is one major historic day for all of us. Sama-sama tayong lahat sa pag-ukit ng panibagong kabanata na ito sa kasaysayan ng Philippine television,” sey ni Gary V.

“Starting today, hindi lang tayo mapapanood sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWant TFC at A2Z, dahil sa isang pamilya, kabilang diyan ang kapatid. Nagsanib puwersa as one ang ABS-CBN at TV5 para sa ASAP Natin To,” pahayag naman ni Regine Velasquez.

Leave A Reply

Your email address will not be published.