Abante Tonite Interactive

Keber sa coronavirus:Jennifer ipinasyal ang mga anak, aso

0 850

NI: MILDRED BACUD

Hindi ang krisis sa coronavirus ang nagpapigil sa Hollywood actress na si Jennifer Garner para hindi gawin ang gusto niya. Spotted ang aktres nang ipasyal ang alagang aso na si Birdie sa Brentwood. Kasama pa ang mga anak na sina Seraphina, 11 and Samuel, 8.

Pero tulad ng ibang celebrities seryoso rin niyang iniisip ang tungkol sa Covid-19 lalo’t halos lahat ng bansa ay naka-lockdown na.

Sa kanyang interview sa The Tonight Show: At Home Edition on Friday, sinabi niyang ang mas inaalala niya ay kung paano haharapin ng mga magulang na sina William at Patricia ang global pandemic na ito. Hindi raw kasi nila masyadong maintindihan na para sa kanilang health ay kailangan silang manatili lamang sa bahay.

‘The hard thing are teens and early 20s people and my parents,’ esplika nito nito via video chat.

‘My parents are the hard ones. I’m like, “Dad, Mom, the world is shut down to keep you safe.” And they’re like, “We think we’re going to go to Sam’s Warehouse,'” pagbibiro pa niya.

Paulit ulit daw ang Peppermint actress na sabihin manatili lamang sila sa bahay.