Abante Tonite Interactive

Keber sa quarantine: Karla, Jolina, Melai balik-TV

0 1,743

NI: RONA RONDA

Sa kabila ng ipinatupad na enhanced community quarantine, nagawan ng paraan na magkasama-samang muli ang mga host ng “Magandang buhay” at noontime show na “It’s Showtime”.

Nitong Huwebes, live na nagsama-sama ang mga host mula sa kani-kanilang tahanan. Hindi na nila pinalagpas ang pagkakataon para ibahagi ang kanilang karanasan sa ipinatupad na quarantine dahil sa COVID-19.

Bonding at quality time ang ginagawa ng pamilya ni Jolina Magdangal.

“Alam mo sa totoo lang minsan pala dapat. mayroon tayong ganito kasi hindi lang sarili natin ang nakikilala natin pati ang tahanan natin kung saan pa natin puwede gawin yung quality time, kung saang parte ng bahay. At saka isa pa ang nangyayari sa amin, nire-remind namin na mag-iingat kasi mahirap kapag may nangyari sa kanila ay dadalhin pa sa ospital.

Ani Melai Cantiveros, mas na-enhance umano niya ang pagiging nanay niya kanyang mga anak. Aniya, “Ang nagawa namin rito ang mga bata tinuturuan ko ng house chores. Dito sa bahay mini-make sure namin na bonded kami sa isa’t isa at hindi namin nakakalimutan ang prayer, always nagro-rosary kami.”

Paglilinis naman ang pinagkakaabalahan ni Karla Estrada at ng kanyang pamilya.

Aniya, “So dito sa bahay since ang daming tao, isa-isa binigyan ko talaga ng chores. Pero alam niyo hanggang sa labas ng bahay talagang malinis dapat, kasi ipinapasok yan.”

Sumusunod din umano si Karla sa protocol na isang tao lang ang lalabas at mamalengke.

Maging ang It’s Showtime hosts na sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Ryan Bang, Karylle, Anne Curtis, Teddy at Jugs, Amy Perez ay nagkulitan thru Zoom app sa kani-kanilang mga tahanan. Ng-live sila.

Humingi naman ng despensa si Vice sa mga biruan nila. Baka raw kasi paratangan sila ng insensitive sa situwasyon ngayon ng bansa. Gusto lang daw nilang magpasaya.

Ilan sa mga biro ni Vice ay ipapakiusap ang kapwa host kina Senator Koko Pimentel at Mayor Joy Belmonte na bina-bash ngayon sa social media.