Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kelley dating extra ni Jasmine

0 101

NI: VINIA VIVAR

First time palang nakatrabaho ni Miss Eco International 2021 First Runner Up na si Kelley Day ang lahat ng cast ng bagong Kapuso series na The World Between Us .at sobrang nag-enjoy daw siya sa lock-in taping.

“I feel like I learned a lot and I’ve been able to mingle with the pther cast members on the set and get to know them in the short time that we have allocated together.

“I feel like we’ve shared a lot of experiences, advice which has been so comforting,” pahayag ng beauty queen sa recent mediacon ng The World Between Us.

Pero si Jasmine Curtis daw ay nakatrabaho na niya noon sa isang commercial although siyempre, hindi talaga masasabing full project talaga na tulad ng isang teleserye.

“I was like an extra (sa commercial ni Jasmine) and I remember seeing her and it’s just so awesome to think that we’re here together sa show,” sey pa ni Kelley.

SM food to go Banner Ad

Ginagampanan ng Kapuso actress ang role na Audrey Villacer na isang young executive from Next Phone at magkakaroon ng feelings for Louie na ginagampanan naman ni Alden Richards.

Ayon kay Kelley ay sobrang malaking blessing for her na makasama sa ganito kalaking teleserye.

“Grabe, I never expected that I would be in this position today, I’m just really blessed,” she said.

Wala rin daw siyang naging problema sa lock-in taping at sobrang nag-enjoy raw siya’t sobrang thankful sa pag-aalaga ng GMA-7 sa kanila.

“We’re very well looked after her, any concerns that we have, they attend to super-super quickly,” aniya.

Kagabi ay napanood na ang world premiere ng The World Between Us sa GMA Telebabad. Aside from Kelley, Jasmine, Alden ay kasama rin sa serye sina Tom Rodriguez, Dina Bonnevie, Jaclyn Jose at marami pang iba.

Leave A Reply

Your email address will not be published.