Abante Tonite Interactive

Kelley sossy ang beauty

504

Si Kelley Day ay isa sa mga winner sa katatapos lang na Miss World Philippines 2019. Siya ay kinoronahan dito bilang Miss Eco Philippines.

Sadyang pang-beauty queen ang tindig ng tisay na dalaga na isa ring aktres/dancer/model. At bukod sa kanyang flawless na complexion, may taglay siyang kakaibang ganda at charm na patok na patok lalo na sa mga kalalakihan.

Pamatay ang porma ni Kelley at isa sa kanyang asset ang pagiging long legged. Sa pagrampa niya sa naturang beauty pageant ay marami ang nabighani sa 22-year-old na dating member ng “It’s Showtime” all-girl dance group na GirlTrends. Primarily, dahil ito sa maamo at maganda niyang mukha, plus sa kanyang angking kaseksihan.

Ang wow na wow niyang porma ay ang pangarap ng bawat kalahi ni Adan. Dahil kahit saang anggulo bistahan ang dalaga, ang tatambad ay isang sossy, as in sosyal na kagandahan.

Sa nasungkit niyang korona lately, pinatunayan ni Kelley na hindi lang siya pang-showbiz, kundi pang-beauty queen din ang kanyang kariktan.

Sure na sure na maraming boys ang mababaliw sa taglay na kakaibang alindog ni Kelley. (Nonie Nicasio)